MATABIL
ni John Fontanilla
SIYANG-SIYA si Paolo Paraiso na napasama sa pelikulang Topakk na entry ng Nathan Studios sa Ika- 50 anibersaryo ng Metro Manila Film Festival at pinagbibidahan nina Arjo Atayde, Julia Montes, Sid Lucero, at Enchong Dee at idinirehe ni Richard Somes.
Tsika ni Paolo, “Masuwerte ako at napasama ako sa ‘Topakk’ dahil napakaganda ng pelikula, mabait at maasikaso ang producer namin at mahuhusay ang mga artistang kasama at maganda ang pagkakagawa ni direk (Richard) sa movie.”
Dagdag pa nito, “Itong ‘Topakk’ lahat kami magkakaibigan, nakita n’yo sa stage pa lang iba ‘yung bonding namin, dahil simula pa lang magkakaibigan na kami. Tapos mas lalo kaming naging close sa pelikulang ito.”
Nagpapasalamat si Paolo kay direk Richard dahil ito ang unang naniwala na kaya niyang mag kontrabida.
“Si Direk Richard ang unang nagbigay sa akin ng kontrabida role.
“Siya ‘yung nagsabi sa akin na hindi…. kaya mo ‘yan! Kilala kita, kaya mo ‘yan. Kaya I’m thankfull with direk Richard dahil isa ako lagi sa kontrabida na kinukuha niya. Kaya nagpapasalamat talaga ako ka’y direk Richard.”
Mapapanood ang Topakk sa Dec 25 sa mga sinehan nationwide.