MATABIL
ni John Fontanilla
DALAWA ang naging rating ng kaabang-abang na pelikula sa 50th Metro Manila Film Festival na entry ng Nathan Studios, ang Topakk na pinagbibidahan nina Arjo Atayde, Julia Montes, Enchong Dee, Sid Lucero atbp.. sa direksiyon ni Richard Somes.
Kuwento ni Ms Syvia Sanchez during grand mediacon ng Topakk kamakailan,
nagdesisyon silang gumawa ng R-16 at R-18 version para mas marami ang makakapanood ng pelikula na unang napanood at hinangaan sa ibang bansa (Cannes, Italy, Locarno, Switzerland at Austin, Texas ).
Ani Enchong, may isang insidente nang ipalabas ang Topakk sa ibang bansa ay may isang International journalist na lumuhod at yumuko nang makita si direk Richard bilang paghanga sa husay ng pagkakagawa ng action film.
At kahit nga binawasan ang ilang madugo at bayolenteng eksena ay buong-buo pa rin ang kuwento nito at hindi nag-suffer ang ganda at kalidad.
Ang istorya ng Topakk ay ukol sa buhay ng isang dating special forces agent na ginagampanan ni Arjo na nagkaroon ng post-traumatic stress disorder (PTSD) at makikilala nito ang karakter ni Julia na hinahanting naman ng corrupt police death squad na nasa likod din ng isang drug cartel.
Bilib na bilib si Ms Sylvia sa husay ng lahat ng artistang kasama sa movie, kahit ang iba ay sandali o kaunti lang ang eksena ay mapapansin ang mga ito at tatatak sa manonood.
At kahit na nga nagkasugat-sugat sa shooting si Arjo, habang nagkauntog-untog sa ilang eksena si Julia ay wala itong reklamo dahil sobrang professional ang mga artista ng Topakk.
At ayon nga sa mga influencer na nakapanood na ng advance screening ng Topakk ay mala-Hollywood ang atake ng movie at napakahusay ng mga artistang kasali rito at maganda ang pagkakagawa ni direk Richard.
Makakasama rin sa Topakk” sina Paolo Paraiso, Cholo Barretto, Jeffrey Tam, Maureen Mauricio, Anne Feo, Rosh Barman atbp..
Mapapapanoog ang Topakk sa mga sinehan nationwide simula sa December 25 hanggang January 7, bilang bahagi ng MMFF 2024.