Thursday , May 15 2025
Topakk 2

Produ ng Topakk pinatunayan Pinoy makagagawa pelikulang may international class

HATAWAN
ni Ed de Leon

TALAGANG mainit ang loob ng warehouse n ginanap ang mediacon ng Topakk. Una ano nga ba ang aasahan mo sa isang warehouse eh talaga namang mainit iyon, ikalawa ang inaasahan nila ay mga 200 tao lang, pero mahigit na 300 yata ang dumating. 

Hindi naman namin maaaring tanggihan iyon,” sabi ng producer na si Sylvia Sanchez.

Kaya hindi nagtagal, naglagay ng mga portable air conditioners sa loob ng warehouse para lumamig naman ng kaunti. Ginawa nila ang mediacon sa warehouse para madama ng media ang sitwasyon ng shooting mismo ng Topakk. Talagang hindi madali ang kanilang pinagdaanan, at ginawa nila iyon para mapaganda ang kanilang pelikula. Pero masasabi namang nakabawi na sila sa kanilang mga sakripisyo. Isipin ninyong ang kanilang pelikula ay nakapag-world premiere pa sa Locarno, Switzerland, isa iyan sa kinikilalang mahalagang film festival sa buong mundo simula pa noong 1946. Naipalabas din ang kanilang pelikula sa Cannes at sa Austin Film Festival sa Texas.

Matapos iyon, ngayon ay kasama naman siya sa MMFF, ibig sabihin nakita rin ng screening committee na may katuturan ang pelikula nila, at may commercial viability. Inaasahan naman nilang kikita ang pelikula, dahil ang kalidad nga nila ay kagaya ng mga totoong action pictures na nagustuhan naman ng mga Filipino noong araw, at medyo magkasunod na nawala sina FPJ at Rudy Fernandez na kinikilalang pinaka-mahuhusay na action stars sa industriya ng pelikulang Filipino. Pagkatapos niyon ay kaunti na lang ang gumawa ng mga action picture na tinipid pa, dahil wala na ngang malalaking action stars at hindi na sila sigurado sa kita. Ngayon lang nagkaroon ulit ng isang film producer na hindi inisip agad ang kita kundi ang makagawa lang ng isang mahusay na pelikula. 

Dalawa ang MTRCB ratings ng Topakk. Iyong mga kopyang ipalalabas sa SM ay rated R16, dahil ayaw ng SM ng pelikulang R18 o For Adults. Ibig sabihin, ang mapapanood ninyo sa pelikulang ilalabas sa SM ay tinabasan nang kaunti at inalis ang masyadong madugo at mararahas na eksena. Sa mga sinehan sa labas ng SM ang ratings ng pelikula ay R18, ibig sabihin mas maraming eksenang nanatili sa pelikula, pero bawas pa rin iyon. Hindi pa rin masasabing mapapanood natin ang pelikula in it’s integral part, kasi nga wala naman silang choice kundi sumunod sa MTRCB. Gayunman, sinasabi nga lang nila less violent, pero halos makikita mo na rin ang kabuuan ng pelikula sa R18 version. Hindi mo masasabing malayo iyon sa napanood nila sa Locarno.

Ang maganda naman sa Topakk ay hindi lamang ang mararahas na eksena, kundi ang kuwento niyon. Hindi iyan isang action picture lamang kundi isang psychological action film. Kasi tinalakay din nila kung bakit ang isang tao ay nagkakaroon ng topak. At hindi basta kuwento ha, nagkaoron sila ng mga consultant na mga medical Psychologists at military experts, para matiyak na ang inilalarawan nila sa pelikula ay may katotohanan. Kaya may isang bagay pang hindi nila inaamin, magastos ang pagkakagawa ng pelikula nilang iyan, at kahit na maging top grosser pa iyan sa festival kaunti lang ang tubo nila. Iyon nga lang mapatutunayan naman nila na ang mga Filipino ay makagagawa nga ng isang pelikulang international class.

Maliwanag na ang mga Filipino ay hindi lamang magagaling na Nurses, Caregivers, at Seamen kundi magagaling din namang artista.  

About Ed de Leon

Check Also

EastEest Puregold 1M Cash Credit Promo

East West Bank inanunsiyo wagi ng P1-M sa EW-Puregold Cash Credit Promo 

MAY nanalo na! Opisyal nang inanunsiyo ng EastWest Bank, kasama ang Puregold, ang mga suwerteng …

Jeric Gonzales

Jeric gustong maging housemate

RATED Rni Rommel Gonzales MASAYA ang Sparkle artist na si Jeric Gonzales na lalong nagiging …

Diego Loyzaga Sue Ramirez In Between

Diego sa anak muna nakatutok, lovelife zero

RATED Rni Rommel Gonzales RELELASYON ni Diego Loyzaga nawala siyang karelasyon ngayon. ”My life has …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …