MATABIL
ni John Fontanilla
NANINIWALA ang mahusay na singer at dating Gigi ng Miss Saigon na si Aicelle Santos sa himala.
Kuwento ni Aicelle na gumaganap na Elsa sa pelikulang Isang Himala, entry ng CreaZion Studios sa 50th Metro Manila Film Festival na minsan na siyang nakasaksi ng himala sa kanyang pamilya noong 2012.
Kuwento ni Aicelle, mismong sa mga kapatid niya na nagkasakit na-experience niya ang himala. Parehong malubha ang karamdaman ng mga ito. Ang isang kapatid ay mayroong myocardities at ang isa naman ay may cancer. Parehong himalang gumaling ang mga ito, ayon kay Acielle na isang malaking himala ang nangyari sa kanila.
“Kasi tayo kapag mayroong pamilya na nagkakasakit, ang katangi-tangi mo lang namang tatawagin ay ang Panginoon, ‘yun lang naman talaga, Siya.
“Ang kapangyarihan ng paggaling ay ‘di nanggagaling sa tao, ang paggaling ay galing kay God, ang Diyos na nasa itaas.
“All we can do as human is honor them and pray that we will be healed, that we are healed.”
Ngayon nga ay parehong okey na okey na ang mga kapatid ni Aicelle.
“My sister now has a family, ang pangalan po ng anak niya ay Hiwaga, she name her daughter Hiwaga.
“Siyempre talagang ‘pag nag-chemo ka, hindi mo alam how you produce the eggs, napakaganda po ng anak niya, si Hiwaga, sa aming magkakapatid siya lang ‘yung maputi.
“Si Aaron naman po ay isang nurse sa UK, he’s been there since 2018.”
Ang Isang Hinala ay mula sa panulat ng National Artist Ricky Lee, music by Vincent De Jesusand directed by Pepe Diokno.
Makakasama ni Aicelle sa Isang Himala sina David Ezra, Kakki Teodoro, Bituin Escalante, Floyd Tena, Sweet Plantado Tiongson, Neomi Gonzales atbp..
Mapapanood simula December 25 (Christmas Day).