MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYANG-MASAYA si Rhian Ramos sa magandang pag aalaga sa kanila ng producer ng pelikula nilang Huwag Mo Ako Iwan nina JC De Vera at Tom Rodriguez.
Tsika ni Rhian na sobrang maalaga at napaka-generous ng kanilang producer na si Benjamin Austria kanilang lahat, kaya naman naging maganda at maayos ang shooting nila.
Isa pa sa labis na ikisaya ni Rhian ay dahil nakatrabaho niya ulit si JC at Tom.
“I’m very happy to work again with JC and Tom. It’s been a long time since nagkatrabaho kami respectively.
“This is our reunion project in some ways.”
At ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na nakatrabaho si Direk Joel Lamangan pagkatapos ng dalawang dekada.
“This is also my first time to work with Direk Joel Lamangan.
“Can you believe na after ng dalawang dekada ngayon ko lang nakatrabaho si Direk Joel?!
“So, please watch it guys.”