HATAWAN
ni Ed de Leon
MAY nagtatanong pa rin hanggang ngayon, bakit daw hindi pinapasok ng Metro Manila Film Festival(MMFF) ang April Boy Regino Story eh iyon ay isang pelikulang tribute sa isang artistang Filipino. Eh kasi nga po nasa criteria nila na 40% dapat ang commercial viability ng pelikula.
Palagay namin, kaya hindi napili iyon ay dahil sa tingin nila may mga pelikulang mas malalaki ang artista. Ibig sabihin, mas kikita kaysa pelikula tungkol kay April Boy.
Mas mabuti nga at ilalabas sila bago ang festival na wala silang masyadong kalaban kaysa makipagsabayan sa sampung iba pa na may mga malalaking artista.