MATABIL
ni John Fontanilla
BONGGA si Kris Bernal dahil ilang buwan na lang ay malapit nang matapos ang pinagagawa nilang mansion ng asawang Perry Choi sa Alabang.
May pasilip nga si Kris sa napakalaking bahay nila ni Perry sa kanyang Instagram na labis na ikinamangha ng netizens sa ganda at laki nito.
Sa pagbisita nga nila ni Perry sa site ng kanilang Neo-Classical-designed home ay ipinost nito sa kanyang IG ang mga larawan ng bahay na may caption na, “Malapit na.”
Excited na nga si Kris na matirahan ang kanyang brand new house.