Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Gay produ isinauli si bagets matapos paika-ikang lumakad

ni Ed de Leon

TALAGANG ngayon ay matatawag na nga sigurong sanggang-dikit si leading man at si gay producer.Hindi dahil may affair sila, baka tamaan naman sila ng kidlat. 

Noong unang magkasama sa project si leading man at si producer, may inirekomenda para sa isang maliit lang namang role ang leading man. Pogi naman ang newcomer at may talent din. Pero ang isa pa, type siya ni gay produ.

Kinausap ni gay produ si leading man, dahil alam naman ng halos lahat na ang newcomer ay kulukadidang ng leading man na common knowledge namang isa ring gay.

Dahil inaarbor nga ng produ ang boylet, nagbigay naman si leading man. Ibibigay na niya kay produ ang kulukadidang niya, ibinilin lang niya na huwag namang pababayaan.

OK lang kay leading man dahil noong panahong iyon ay may bago na siyang kulukadidang na mas bata, mas fresh, at mas may hitsura kaysa ibinigay niya kay produ.

Pero minsan para patunayan na siya nga ay BFF na ng produ, ipinakilala niya roon ang bagets niyang kulukadidang at sinabi niya sa produ na kung gusto rin iyon ay maaari niyang “ipahiram.” Pero “hiram lang meaning kailangang isauli sa kanya. 

Mukhang hindi mabitiwan ng leading man si Bagets, dahil kadalasan nga kung lumakad siya ay iika-ika na, pero mukhang happy naman. Mukhang “magaling” si Bagets, at pogi rin naman talaga. Kung sabihin nga ni leading man, mas lamang iyon kaysa kay male model, kay male singer, kay call center agent, at iba pang male stars na nakayungyangan na niya.

OK naman si produ, kinabukasan siya naman ang iika-ikang maglakad pero isinauli niya ang bagets sa leading man na ngayon ay talagang BFF na niya.     

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …