HATAWAN
ni Ed de Leon
NATAWA kami roon sa kuwento, gusto pa raw sumama ni Kris Aquino sa relief and rescue operations sa mga biktima ng baha eh hindi pa nga siya makalabas sa ospital dahil sa katakot-takot na sakit niya. Mayroon siyang auto immune problem, hindi ba niya alam na makasagap lang siya ng sipon o ubo maaari niya iyong ikamatay? Siya na rin ang nagsabi na mahina na ang mga buto niya. Umatake rin ang gout niya. Baka akala niya kung madulas siya at mahulog ngayon ay kagaya lang niyong nalaglag siya sa stage ng GMA Supershow noon.
Kung ngayon mangyayari iyon sa kanya ewan kung ano ang kahahantungan niya. Akala ba niya kung makikita siya ng mga tao na nasa relief operations kahit na may sakit siya ay maibabalik pa ang yellow fever? Naku mahirap na iyan iha, halos wiped out na nga ang mga dilaw ngayon, iyong dating dilaw naging pink, ngayon naging LGBT colors na yata. Maliban kung sasabihin niyang sawa na siya sa buhay, mas mabuting manahimik na lang muna siya at magpagaling.
Noong araw na nagkaroon ng lupus iyong matandang Marcos, ginagawa nilang malaking issue, eh ngayon mayroon na rin siya niyon.