Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca Tan Believe It Or Not 2

New teen actress nahirapan sa pagbibidahang pelikula

MATABIL
ni John Fontanilla

VERY promising ang new teen actress na si Bianca Tan na bida /kontrabida sa advocacy film na Believe It Or Not? na mula sa direksiyon ni Errol Ropero hatid ng A&Q Productions ni at AFA Entertainment.

At kahit first movie lang ni Bianca ay napakahusay at magaling itong umarte at nabigyan nang hustisya ang role bilang si Brenda na isang bully sa kanilang paaralan.

Tsika ni Bianca, “Ako po ‘yung main bully sa school, bale binu-bully ko ‘yung mga lower grades kong school mate.”

Bilang baguhan ay medyo nahirapan si Bianca sa kanyang role. “Medyo mahirap po, kasi first shooting ko kailangan ko umiyak, mamaya kailangan ko magtaray, medyo challenging lang po talaga.”

Bilang baguhan ay iniidolo nito sina Heart Evangelista, Dingdong Dantes, at Alden Richards na pare-pareho nitong gusto makatrabaho at makasama sa isang proyekto.

Habang si Paulo Avelino naman ang showbiz crush niya, “Isa lang po kasi ang crush ko sa showbiz, si Paulo Avelino, kasi guwapo siya, maamo ang mukha at magaling umarte.”

Makakasama rin sa pelikula sina Potchi Angeles, Shira Tweg, Dwayne Garcia, Daffne Louise, Niño Vergara, Jared Miguel,Duna Duncan, Niño Vergara, Christian Villanueva, Christa Jocson, Jhassy Busran, Artan Akthar atbp..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …