Sunday , December 22 2024
Vilma Santos

Ate Vi wala pang pahinga sa pagtulong; paggawa ng pelikula dadalang

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATAPOS na ang pananalasa ni Kristine, humuhupa na ang baha at ang mga tao sa evacuation centers ay nagsisimula nang magbalik sa kani-kanilang mga tahanan. Pero para kay Vilma Santos, simula pa lang iyan ng trabaho.

Hindi pa nga tayo nakakapag-pahinga may warning na naman ng isa pang bagyo. Wala tayong magagawa kasi ang ganitong panahon talaga ay panahon ng bagyuhan sa Pilipinas. Dahil din sa Global Warming, talagang mas malalakas na bagyo ang nabubuo ngayon. Bata pa ako naririnig ko na iyang global warming na iyan at ang sinasabi nilang mas malalakas na bagyo at baha dahil diyan pero hindi nila pinansin iyan noong araw eh. Naroroon iyong sinasabing hindi mangyayari iyon at saka matagal pa iyon, eh kaso nariyan na ngayon.

“Kaya ngayon ang ginagawa natin ay hindi na paghahanda, remedyo na.

“Akala mo ba matatapos na tayo sa relief and rescue operations? Hindi pa rin, kasi pag-uwi nila sira ang bahay nila, maaaring inabot din ng tubig at sira ang mga kasangakapan. Iyong iba apektado pati negosyo. Riyan naman tayo magsisimula ng rehabilitation. Paano iyong mga nasira ang bahay? Hindi mo puwedeng padalhan lang iyan ng bigas at sardinas, Hindi na iyon ang kailangan nila. Ang kailangan na nila ay bubong ng bahay nila. Kailangan matulungan mo rin silang makabalik sa normal nilang buhay. 

“Hindi naman iyan immediate problem pero kung papalarin tayo at loloobin ng Diyos na magbalik tayo sa serbisyo publiko hindi mo puwedeng hindi harapin iyan. Mahirap ang sitwasyon namin dito sa Batangas, dahil bukod sa bagyo at baha, at may mga lugar kaming talagang open sa dagat, mayroon pa kaming bulkan  na hindi mo alam kung ano ang mangyayari. Kaya noong ako pa ang governor, lagi kaming nakahanda sa relief operations, eh alam mo naman ang pagkain nae-expire rin, kaya kung may 

goods kaming aabutin na ng expiration, kaysa masayang iyon naman ang ibinibigay namin sa mga charitable institution, tapos hanap na naman kami ng bago para sa relief operations. 

“Noon hindi ako nagpapawala ng basic needs, Hindi mo kasi alam kung ano ng mangyayari. Iyong iba  basta tag-araw panatag na ang loob, kami hindi, kasi may bulkan kami. Kaya ganyan din  ang iminumulat ko kina Luis at Ryan, kailangan lagi kang handa sa kung ano man ang mangyayari.

“Si Luis hindi masyadong problema dahil sa dami ng endorsements niyan, madaling makakakuha ng mga kailangan.Eh si Ryan walang ganyan, kaya sinasabihan ko siya na dapat lagi siyang ready, kasi hindi mo masasabing walang lalapit sa iyo, kailangan may pantulong ka agad.  Marami iyang ganyan, lalo na mga nasa ospital at walang pera. Kung sa bagay may maibibigay namang congressional guarantee.

Noon hindi kami nahihirapan. Dahil si Ralph nasa Senado, ako naman nasa house, pareho kaming makakapabigay ng congressional guarantee sa ospital. Eh ngayon hindi na ganoon.

“Ang public service ay walang katapusan. Hindi mo puwedeng tulugan iyan. Iyon nga lang mapikit ka lang baka may mangyari na eh. Kaya ako sana ang gusto ko iyong easy easy na lang. Gagawa na lang ako ng pelikula kung kailangan, wala naman akong kailangang intindihin. Kaya lang nahilingan tayong magbalik sa public service, naisip ko rin at my age, kaya malakas pa ako kasi siguro sinasabi rin ng Diyos na may kailangan ka pang gawin  at kung ano man iyong gagawin ko. Akala ko nga hindi na ako tutuloy eh wala kasi akong nakikitang sign. 

“Aba isang araw umuwi si Ryan may dalang puting rosaryo at ang sabi ibinigay daw sa kanya ng isang matandang lalaki na nangako pa sa kanyang ipagdarasal niya ang buong pamilya namin. Ito na naman something white kaya sabi ko kay Ralph. sige lang laban na.

“Eh si Ralph din naman kasi kinukulit ng partido. Siya hindi na puwede kaya kapalit niya si Ryan. Tapos sinasabi niya, baka hindi na ako puwede dahil hindi na ako bata, eh sa mga tao rin nanggaling na ano ang ginagawa ni Luis, ‘di siya ang vice. Kaya nadamay iyong si Luis.

Pero itong projects ko, itutuloy ko lahat iyan at mas pagbubutihin pa namin dahil marami pang kailangang gawin. Iyong mga nasimulan na naming hindi naituloy lalo na sa health care at education. Iyan ang mas bibigyan ko ng panahon ngayon,” mahabang paliwanag ni Ate Vi.

Ang dream ko magkaroon kami ng isang provincial university na iyong mahihirap pero deserving students na makatuloy at makatapos hanggang kolehiyo ng libre. Sa awa at tulong ng Diyos tatapusin natin iyan,” sabi pa niya.

Paano na naman ang kanyang showbiz career?

Balik na naman sa dati. Kung may oras na hindi masyadong busy, makakapag-paalam naman ako sa kapitolyo. Minsan din may project at walang pera ang kapitolyo, sinasabi ko naman pagawin muna ninyo ako ng pelikula sandali at ako bahala riyan. Nagagawa naman namin. Kaya palagay ko mapagsasabay ko pa rin naman iyan. At saka sinabi ko naman hindi ba, gagawa lang ako ng pelikula kung gusto ko. Hindi na ko kagaya noong araw na marami pang hinahabol sa career ko,” sabi pa ni Ate Vi.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …