Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Potchi Angeles Shira Tweg Believe It Or Not

Potchi Angeles suportado ang anti-bullying campaign

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYA ang  guwapo at mahusay na aktor na si  Potchi Angeles dahil napasama siya  sa advocacy film na Believe It Or Not? na hatid ng A&Q Productions ni Atty. Aldwin F. Alegre at ng AFA Entertainment, directed by Errol Ropero.

Ang pelikula ay tumatalakay sa bullying na kalimitan ay nangyayari sa loob ng eskuwelahan.

Ayon kay Potchi, “Very timely po kasi ang theme ng movie namin  at talagang nangyayari po lalo na po sa mga school natin na napalakas ng peer pressure.

“Kaya naman po proud po ako na maging part ng movie na ito to be able to spread awareness about the effects of bullying. 

“Minsan po kasi ‘di nila alam na mali iyong ginagawa nila. So, hopefully maging eye opener po iyong movie namin.”

Dagdag pa ni Potchi na minsan na rin siyang na-bully noong bata pa siya, kaya naman sinusuportahan nito ang Anti Bullying Campaign.

Lilibot ang pelikula sa iba’t  ibang paaralan sa buong Pilipinas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …