Friday , November 15 2024
Nuclear Energy Electricity

Natural Gas Industry bill provisions pipinsala sa consumers – Gatchalian

NAGBABALA si Senador Sherwin “Win” Gatchalian sa ilang probisyon ng panukalang paunlarin ang industriya ng natural gas sa bansa dahil maaari itong makasama sa kapakanan ng taongbayan.

Binigyang-diin ni Gatchalian na bagama’t kinikilala niya ang magandang hangarin ng Senate Bill 2793 o ang An Act Promoting The Development Of The Philippine Natural Gas Industry upang makamit ang seguridad sa enerhiya at mahikayat ang pamumuhunan sa sektor ng upstream oil and gas, kailangan aniyang muling bisitahin at suriin ang ilang mga probisyon.

Partikular na binanggit ng senador ang Section 6 ng naturang panukala, na nagpapahintulot ng full recovery ng mga ‘reasonable cost’ ng mga power generator – isang mas maluwag na pamantayan kompara sa ‘least cost’ na kinakailangang nakasaad sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).

Idinagdag ng senador, dapat tiyakin ng panukalang batas na mapoprotektahan pa rin ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang mga konsumer sa pamamagitan ng ‘least cost standard’ kapag sinusuri ang mga kasunduan sa power supply.

Sa probisyon ng supply ng gas na nasa Section 21, mas prayoridad ang indigenous natural gas (ING) kaysa imported na natural na gas at maging ang elektrisidad mula sa ING ay mas prayoridad sa generation, transmission, distribution, at supply, kahit na mas mahal ang ING kaysa ibang supply.

Maaari umano itong magdala ng problema dahil mapipilitan ang mga mamimili na magbayad nang mas mataas na presyo ng koryente tuwing mas mahal ang ING.

Ayon sa industry sources, ang halaga ng purong liquified natural gas (LNG) sa 10.5 US dollars kada million British thermal units (MMBtu) ay tugma sa levelized cost of energy (LCOE) rate na P7.07 kada kilowatt hour (kWh).

Sa kabilang banda, ang halo LNG at indigenous natural gas (ING), ay may presyo mula 11.8 hanggang 13.5 MMBtu, ay katumbas ng rate na P8.4 kada kWh.

“Kailangan nating seguradohin na ang bawat probisyon ng panukalang batas ay magbibigay ng proteksiyon sa mga konsumer at magpapalakas ng buong sektor ng enerhiya para lalong palakasin ang ating ekonomiya,” ani Gatchalian. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …