Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PM Vargas

Talentadong Novalen̈o magandang proyekto ni Cong. PM Vargas sa mga Kabataan

MATABIL
ni John Fontanilla

ISANG makabuluhang proyekto ang handog ni Quezon City District 5 Cong. PM Vargas, ang Talentadong Novalen̈o na magaganap sa Sept. 28, SM Novaliches.

Katulong sa proyektong ito ng nakababatang kapatid ni District 5 Councilor Alfred Vargas ang Freedom Records na pag-aari nina Xien Baza at Duds Baza

Dito ay maglalaban-laban ang mahuhusay na  mananayaw sa Pusong Mananayaw (Dance Competition) at Puso Sa Musika (RAPrapan 2024) para ipakita ang talento ng mga Novalen̈o.

Ayon kay Xien, “Ang Talentadong Novaleño ay isang spotlight para sa mga artist na gusto natin mabigyan ng chance na mai-share hindi lang sa Novaliches kung hindi pati na rin sa pinakamalawak na pwedeng abutin.

“Ito rin ay Diversion Program para maging bukas muli sa isip at puso ng mga Novaleño na mag-focus sa magagandang bagay at makaiwas sa masasamang bisyo at gawain.

“Ito ay para buhayin din ang mga local artist na natutulog lamang sa puso ng Novaliches. Ito ay gagawin taon-taon.”

Ang grand champion ay tatanggap ng 

₱𝟮𝟬,𝟬𝟬𝟬 + Trophy + Certificate, samantalang ang 1𝘀𝘁 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 ay tatanggap ng ₱𝟳,𝟬𝟬𝟬 + Trophy + Certificate at ang 

𝟮𝗻𝗱 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 ay mag-uuwi ng ₱𝟯,𝟬𝟬𝟬 + Trophy + Certificate. Habang magkakaroon naman ng con𝘀𝗼𝗹𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 p𝗿𝗶𝘇𝗲 na ₱𝟭,𝟬𝟬𝟬 𝗲𝗮𝗰𝗵 + Certificate ang hindi magwawagi.

Isa sa malaki ang tsansang manalo ang rap group na LIRIKALYE  ng ZABARTE na kinabibilangan ninaNash  Baluyot and company.

Ilan sa sumusuporta sa magandang proyektong ito nI Cong. PM Vargas at Freedom Records ang JE Beats, Adam641 Music, SM City Novaliches, JDC Productions, ETC Films, BulaklaQC.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …