Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
TV

Network war ramdam pa rin, ratings ng show kanya-kanya

HATAWAN
ni Ed de Leon

SINO ang nagsasabing wala nang network war? Pinalalabas na naman ng ABS-CBN na sila pa rin ang may highly rated content kung susumahin ang total audience kasama na ang sa internet.

Hindi mo  naman sila masisisi dahil nagbabayad sila ng airtime sa mga network na pinapasukan nila at ang usual na singilan diyan ay babayaran mo ang total commecial minutes para ka makapag-blocktime. Ibigding sabihin niyon kailangang maibenta nila ng mas mataas ang commercial minutes para mabawi ang kanilang production cost at kumita sila.  Eh paano ngang mangyayari iyon kung hindi nila makukumbinsi ang advertisers na mas marami pa rin ang nanonood sa kanila.

Dahil sa ganyang sitwasyon, talagang kung iisipin mo ay lugi pa ang ABS-CBN, mataas ang kanilang cost of production, nagbabayad pa sila ng air time. 

Ipagpalagay mo ngang pro rated ang kanilang cost dahil inilalabas nila ang isang content sa maraming estasyon. Pero ang isang advertiser ba ay bibilli ng spot sa magkakaparehong palabas sa ibang estasyon? Huwag mo ring sabihin na ang nakapanood na ng show sa TV5 ay uulitin pa sa GTV, All TV,at Zoe TV. Natural pipili lang sila ng isa roon at panonoorin nila ang isang show ng minsan lang.

Kaya kahit na sabihin  ngayon ng ABS-CBN na malakas ang kanilng ratings at iyan ay ayon sa sa survey ng Nielsen at hindi ng Kantar Media na sila lang ang subscribers, hindi pa rin sila makabenta ng sapat na spots para masabing kumikita ang network. Itong taong ito, sinasabi ngang nakalusot sila sa pagbabayad sa utang sa tatlong banko dahil sa sosyo ng anak ni Loren Legarda na kung ilang bilyon din, kung hindi ano kaya ang nangyari na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …