HATAWAN
ni Ed de Leon
DIRETSONG sinabi ni Lea Salonga na bago raw siya maging National Artist dapat ay si Mang Dolphy muna. Dapat daw kilalanin ang naging kontribusyon niyon sa industriya ng pelikulang Pilipino, at parang sinasabi pang kung ikukompara kay Mang Dolphy, walang wala pa ang nagawa niya.
Sinabi pa ni Lea na maging ang mga comedy na ginawa niya bilang bakla, ang Facifica Falayfay at Fefita Fofonggay ay nakatulong para mas kilalanin ang gay community. Pero sa mga naunang tsismis, sinilat ng mga bading sa nomination group si Mang Dolphy ng dalawang ulit dahil hindi nila nagustuhan, at sinasabi nilang inilagay ng komedyante ang mga bading sa nakatatawang sitwasyon sa dalawang pelikulang iyon. Sinasabi nilang sa pelikula, hindi dapat na ma-discriminate ang mga bading.
Pero hindi maikakaila iyan dahil sinasabi nga na kahit si Vilma Sntos, dalawang ulit na rin nilang sinilat sa nomination dahil sa personal bias ng ilan. Pinilit din nilang maideklarang National Artist si Nora Aunor sa kabila ng katotohanang dalawang ulit na iyong na-reject ng dalawang presidente.
Kung sa bagay, kahit naman saan hindi maikakailang may nangyayaring umiibabaw ang personal na bias, bagama’t hindi nga sana dapat
Pero kung si Vilma naman ang pag-uusapn hindi siya particular sa titles. Mas gusto niyang nasisiyahan ang fans sa ginagawa niya at kumikita ang kanyang mga pelikula. National artist ka nga pero wala namang kumukuha sa iyo dahil hindi kumikita ang mga pelikula mo, ano nga naman ang silbi niyon?
Para kay Ate Vi on the running pa rin naman siya bilang isang aktres. May balak pa siyang magdirehe ng pelikula at mag-produce rin.
Isa pa hindi maikakailang si Ate Vi ang nangunguna ngayon sa mga independent survey na ginagawa sa Batangas para maging gobernador ulit. Kung tatanggapin niya ang challenge na magbalik sa kapitolyo ng Batangas, ibang usapan na naman iyon.