Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Estrada Priscilla Meirelles Formula One Grand Prix

John at Priscilla nagkita sa SG, nagkabalikan na?

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGKITA ang mag-asawang John Estrada at Priscilla Meirelles sa Singpore na kapwa nila sinaksihan ang ginanap na Formula One Grand Prix sa nasabing bansa. Pero hindi sila magkasama. Paulit-ulit  na sinabi ni Priscilla na kaya siya naroroon ay dahil sa isang sponsor na kanyang ine-endorse. 

Bagama’t nakunan sila ng picture na magkasama sa picture, kasama rin nila roon ang iba pang mga celebrity guest at ni hindi sila magkatabi ng upuan. Hindi rin sinagot ni Priscilla ang tanong ng isang netizen  kung nag-reconcile na ba sila ni John.

Si John naman ay umamin na hindi pa sila nagkaka-ayos ng kanyang asawa at sinabi pang ang kanilang paghihiwalay ay desisyon nila pareho.  Sinasabing isang third party daw ang dahilan, pero hindi pa naman kompirmado iyon.

Umuwi lamang si Priscilla sa Brazil at nang magbalik ay nagkalabuan na nga sila ni John. Kaya naman nagbalik dito si Priscilla ay dahil may career siya sa Pilipinas.          

Maraming umaasa na magkakabalikan pa nga ang dalawa. Ilang taon din naman silang nagsama, at may anak na rin naman sila, si Anechka. Wala namang comment si Janice de Belen na naunang naging asawa ni John at kung kanino siya mas maraming anak, ukol sa paghihiwalay ng dalawa.

May humuhula namang malabo na nga raw ang balikan ng mag-asawa dahil noon pa umano may problema ang dalawa. Ayaw lang ni Priscilla  na lumala pa ang sitwasyon. Pero siguro nga hindi na rin siya nakatiis kaya nakipaghiwalay na rin. Kung totoo ngang ganyan ang sitwasyon, mukhang mahirap nang silang dalawa ay magkasundo pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …