Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Aga Muhlach Nadine Lustre Mentorque

Vilma, Aga sa MMFF sure hit sa takilya        

HATAWAN
ni Ed de Leon

SIGURISTA talaga si Vilma,” sabi ng isang kakuwentuhan naming beterano na sa showbusiness. “Naunang nabalita ang pelikulang gagawin sana niya kay Chito Rono, pero inuna niyang simulan iyong sa Mentorque. Hindi mo na puwedeng kuwestiyonin iyon dahil iyong producer daw ng Mentorque ay malapit talaga sa pamilya Recto. Halos kasabay daw iyang lumaki ni Ryan (bunsong anak ni Vilma Santos) at naging scholar pa yata nila. Isa pa, napakalaki ng casting ng ‘Uninvited.’

“Makakasama niya ulit si Aga Muhlach at lahat naman ng pelikula nilang dalawa ay naging hit din sa takilya. Kasama pa nila si Nadine Lustre. Iyan ang pelikulang hindi pa nagsisimula amoy mo nang magiging hit talaga. 

“At dahil ang advocacy ni Vilma sa ngayon ay mapabalik ang mga tao sa sinehan, tama ngang iyan ang unahin niya. Tiyak dudumugin iyan sa sinehan. Gaya rin iyan niyong nakaraang taon, ang unang pelikulang sinasabing gagawin niya ay isang project ni Erik Matti, pero ang inuna niya ay iyong ‘When I Met You In Tokyo.’ Bago ang producer, baguhan din ang dalawang direktor, pero ang katambal niya ay si Christopher de Leon na nakasama na niya sa 26 na pelikula at lahat iyon ay naging hit.

“Iyon ang pinili niya kasi gusto nga niyang pabalikin ang mga tao sa sinehan,” sabi ng kakuwentuhan namin. 

Mukha ngang may punto siya, alam niya ang sinasabi niya dahil matagal siyang sales manager ng malalaking kompanya ng pelikula ng isang theater chain sa bansa hanggang ngayon.

  .         

Si Vilma naman kasi hindi na iyan gumagawa ng pelikula para magkapera eh. Hindi na niya kailangang gumawa ng pelikula pero gumagawa pa rin siya dahil sabi nga niya pay back time ito eh. 

“Yumaman siya dahil naging sikat siyang artista, ngayon naman hindi na iyong kikitain niya eh. Gusto lang niyang makatulong na makabawi ang industriya ng pelikula sa ngayon. Siya lang naman ang leading lady na consistent sa pagiging hit ang pelikula, mayroon diyan kikita ang isa o dalawang pelikula tapos wala na.

“Si Vilma kahit na siya hindi kumita ayos lang. Hindi ba may pelikula pa ngang iyong bayad sa kanya hindi niya kinuha, pinaghati-hati sa mga extra sa pelikula. Tapos ano pa, para siyang catering, dahil siya ang nagdadala ng pagkain para sa lahat ng tao sa set. Talo pa niya iyong producer ng pelikula eh. Kaya si Vilma mahal ng mga tao sa industriya. Maski ako eh, siguro kung may magbu-book sa akin ng isang malaking pelikulang Ingles na tiyak na kikita, tapos may mag-book sa akin ng pelikula ni Vilma, iyong pelikula ni Vilma ang kukunin ko dahil malaking tulong iyon sa industriya ng pelikulang Pilipino. At saka kung malaman ng industriya na tinabla mo ang pelikula ni Vilma, ang sama ng tingin  sa iyo ng lahat ng tao. Tingnan mo nga iyong national artist, kahit na sino nagsasabing dapat si Vilma. Ito nakakatakot isipin pero subukan nilang tablahin ulit si Vilma bilang National Artist ngayon, tingnan ninyo ang magiging resulta ng eleksiyon sa 2028. Dalawang beses na nilang tinabla si Vilma bilang national artist alam ng buong industriya iyan, kaya tingnan ninyo ngayon nakasuporta ang buong industriya. Kailan ba nagkaisa nang ganyan ang buong industriya sa pagsuporta sa isang national artist nominee kundi ngayon lang. Subukan nilang isabotahr ngayon kundi malalaman nila,” sabi pa niya.

Iyong kausap namin, kabisado niya ang film market, alam niya ang pulso ng masa

dahil dekada 70 pa iyan na ang trabaho niya. Nakakikilabot ngang isipin, napainom tuloy kami ng tatlong mug ng matapang na kape.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …