REALITY BITES
ni Dominic Rea
ISANG bonggang television project ang sisimulang gawin ni James Reid sa bakuran ng Kapamilya Studios.
‘Yan ang naglabasang espekulasyon ngayon. Bongga raw ang project na ito at muli nating mamahalin ang kaguwapuhan ni James!
Wala pa kaming narinig kung sino naman ang makakapareha niya sa proyekto under Dreamscape Entertainment.
Kaya lang tanong ng marami maibalik pa kaya ni James ang ningning ng kanyang career sa proyektong ito?
Sa totoo lang, another JaDine project lang ang pakiramdam naming makapagbabalik sa kanya sa limelight after what happened and after he left huh!
Pero ayon na nga kay James, walang balik-tambalang mangyayari! Ganoon?