Thursday , May 15 2025
Valerie Tan Rovilson Fernandez I Heart PH Pinky Webb

Valerie Tan idol sina Pinky Webb at Rovilson Fernandez sa pagho-host

MATABIL
ni John Fontanilla

SA pagbubukas ng ika-9 season ng award winning magazine/lifestyle show na I Heart PH ay mapapanood na ito sa kanilang bagong tahanan, ang GMA 7 via GTV every Sunday, 10:00 a.m.. Hosted by Valerie Tan, kasama si Rovilson Fernandez.

Pagkatapos nga ng ilang taon ay magbabalik-GMA muli sila Valerie  na nanalo sa May Trabaho Ka ng QTV (now GTV) ilang taon na ang nakalipas at nagbukas ng oportunidad para makapag-host ng ilang shows sa GMA Si Rovilson naman na ilan  taon ding nawala sa GMA ay nagbabalik-Kapuso.

Kuwento ni Valerie, “I was with GMA for several years and then, afterwards, ‘I Heart PH’ and now, I’m back here in GTV. I feel like I’m back home and to also work here in GTV.”

Hindi nga maiwasang ‘di kilabutan si Valerie dahil pang-9 season na ang I Heart PH at patuloy pa rin itong sinusuportahan ng mga manonood at ng mga sponsor.

Parang medyo kinilabutan ako, to be honest, it’s such a blessing, especially in this time na ang bilis, very fast paced. 

“Minsan ‘yung content ngayon, iba na after three or four days.

“But what we can be proud of is that we are giving good, quality content. Something that is entertaining, informative and hopefully magtuloy-tuloy pa ang ‘I Heart PH.’”

Ilan sa mga local celebrity host na tinitingala ni Valerie ay ang co-host niya sa I Heart PH , si Rovilson at si Pinky Webb.

Si Rovilson Fernandez, ang international host. A super good host, super good mag-adlib. Very funny, witty. At ‘yung mga idol ko, hindi lang magaling, may puso rin.

“And si Pinky Webb, host of ‘Business Matters.’ Very professional. Actually too many to mention, but they’re on top of my head.”

About John Fontanilla

Check Also

Zaijan Jaranilla Jane Oineza Puregold Si Sol at si Luna

Serye ng Puregold na Si Sol at si Luna dekalidad na pelikula sa YouTube

MATUTUNGHAYAN ang mga komplikasyon ng pag-ibig at buhay sa trailer ng pinakabagong dating batang artista …

Chuckie Dreyfus Boy Abunda

Chuckie inamin nakaapekto tsismis na bading siya noon

MA at PAni Rommel Placente USAP-USAPAN noon sa mundo ng showbiz na bading ang dating …

Lotlot de Leon Nora Aunor

Lotlot pinasalamatan fans na bumibisita ara-araw sa puntod ni Nora

MA at PAni Rommel Placente ANG mga tagahanga ni Nora Aunor, na mga Noranian, ay araw-araw  pa …

Fyang Smith JM Ibarra Nova Villa Bodjie Pascua Ces Quesada Sylvia Sanchez Picnic Nathan Studios

Nova sa Picnic: a dramatic movie na may lesson sa ating pamilya

RATED Rni Rommel Gonzales NAIRAOS na natin ang pagboto sa eleksiyon ngayong 2025, kaya manood …

Fyang Smith JM Ibarra Nova Villa Bodjie Pascua Ces Quesada Sylvia Sanchez Picnic Nathan Studios

Sylvia trailer pa lang ng Picnic na-magnet na

RATED Rni Rommel Gonzales MAY tila kung anong atraksyon kay Sylvia Sanchez ang Korean movie na Picnic. Trailer …