Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Stell Ajero SB19

SB 19 Stell deadma sa mga nambu-bully — proud ako sa itsura ko noon

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI apektado at deadma lang ang member ng SB19 na si Stell Ajero sa mga nagkakalat ng kanyang mga lumang litrato noong hindi pa siya sumasailalim sa cosmetic procedures.

Aminado si Stell na may mga tao talagang ayaw tumigil sa pambu-bully gamit ang kanyang mga old pic, kaya naman sa kanyang Tiktok Live ay nagsalita na ito ng nararamdaman.

Ani Stell, “‘Pag nag-o-open ako ng Facebook talagang nakikita ko, specially ‘yung picture nga na kumakalat. Ginagamit talaga ng lahat to make fun of me. Ginagamit nila kahit saan, memes, sa mga kung ano-anong bagay, kinu-compare nila sa ibang artists, ibang P-pop idols. Tapos sinasabi nila maasim.”

Dagdag pa ni Stell, hindi niya ikinahihiya ang dati niyang itsura dahil part ‘yun ng past niya at walang dapat ikahiya roon.

Ako, hindi naman ako nasasaktan. Unang-una sa lahat, proud ako roon sa photo na ‘yon. 

“Proud ako kasi kahit anong gawin natin, part pa rin siya ng past ko. And proud ako roon kasi ‘yun ‘yung reason bakit ako nandito ngayon.

Mayroong ganoong klaseng Stell kaya mayroong Stell na ganito ngayon.

Hayaan ko na lang kung sumaya siya sa ginawa niya. Thankful ako dahil ako ‘yung reason bakit siya masaya,” wika pa ni Stell.

Sa ngayon ay walang dapat ipagmaasim si Stell dahil siksik at liglig ang blessings na dumarating sa kanya at sa kanilang grupong SB19.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …