Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item, Mystery Man in Bed

Panghahalay ng bakla maituturing bang krimen?

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY nagtatanong, kung isang krimen nga raw ang ginawang panghahalay ng mga bakla, ano naman iyong kusang nagpapahalay sa mga bakla kapalit ng pabor o bayad? Krimen din po iyon dahil iyon ay maliwanag na prostitusyon na hindi naman legal sa ating bansa.

Pero napakaliit na kaso ng prostitusyon lalo na sa mga lalaki. Karamihan iyang mga ganyang kaso na nahuhuli pa sa akto ay ni hindi na umaabot sa piskalya, dadalhin lang sa presinto at ayos na. Kasi napakahirap na patunayan ng prostitusyon, kailangang may katibayan ka na tumanggap nga siya ng pera o anumang pabor kapalit ng sex.  Kahit na nga iyong naghuhubad na mga lalaki sa gay bars, sila ang huhulihin dahil may bayad ang ginagawa nila, pero ang customer na nanonood lang mahirap mong kasuhan dahil wala namang ginagawang illegal.

May business permit ng bar, may mayor’s permit, may permit para magbenta ng alak, legal lahat iyon. Paano mo mapatutunayan na may ginagawa silang iba at tinatangkilik nila ang prostitusyon? Mas delikado pa iyong mga beerhouse talaga, o iyong mga karaoke, dahil ang mga iyan ay may mga “private rooms” o “VIP” rooms na roon mismo nagaganap ang kahalayan. Pero bago mapasok ng mga nangre-raid ang VIP room, naalarmahan na ng mga tao sa loob. Minsan nakasaksi kami ng ganyang raid, alam nila na may VIP rooms. At may mga tao sa loob, pero paano mo sila aarestuhin eh hindi nila alam ang daan? 

Normally iba ang entrance niyang mga VIP room na iyan eh, hindi sa loob mismo ng bar o club. Doon kasi pumapasok ang mga customer na VIP na ayaw pabuking. Kaya may nagtatanong din, bakit hindi mahuli iyang mga car fun boy? Wala ka naman kasing makikita eh may daraang kotse, sasakay sila. Ano ang illegal doon kung magkakilala naman sila. Wala ka namang nakitang pinilit silang sumakay. Wala ka rin namang nakitang nagpilit silang sumakay. Susundan mo iyan at titiyempuhan mong gumagawa ng milagro. Eh kung pumasok na sa pribadong lugar, hindi mo na masusundan iyan kung wala kang warrant, at paano mo malalaman kung anong pangalan ang dapat na nasa warrant? 

Noon may kasong isang male star ang nahuli mismo may pangalan siya sa warrant kaya kahit sa hotel ay napasok sila. Kaso nakaligtas din, paano mong sasabihing prostitute iyon kung walang kasama. Paano mo namang huhulihin ang customer na wala naman ang pangalan sa warrant. Kaya napakahirap patunayan ng kasong iyan.

Kaya iyang mga bakla, huwag ninyo pupuwersahin ang lalaki magbayad na lang kayo kung gusto ninyo, at kung tanggihan kayo huwag ninyong pipilitin, may sabit kayo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …

Zoren Legaspi Mavy Cassy Carmina Villarroel

Hating Kapatid good venue para maipakita ibang side ng Legaspi family

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG malaking blessing para kay Cassy Legaspi, ang GMA drama series na Hating Kapatid sa kanilang …

Mentorque GMA Pictures 58th Huwag Kang Titingin Ella Arcangel

Mentorque at GMA movie star studded

RATED Rni Rommel Gonzales MARAMI na namang kaabang-abang na pelikula mula sa GMA Pictures para sa taong …