HATAWAN
ni Ed de Leon
MAHIGIT isang linggo na palang nasa St.Lukes Medical Center si Inday Barretto at hindi maganda ang kanyang lagay. Sinabi ng kanyang anak na si Claudine na sa initial findings ay mayroon siyang lupus kaya nga dasal para sa kanya ang hiling ng aktres sa kanilang mga kaibigan
Tingnan nga ninyo si Willie Ong, magaling na doktor iyan ha at nagbebenta pa ng mga gamot sa internet. Ngayon ano ang panawagan, “magdasal kayo sa Mahal na Birheng Maria, kay Padre Pio nang magtamo kayo ng kagalingan.” Basta wala na talagang makitang immediate relief, dasal ang kailangan, kaso mga born again iyang mga Barretto, hindi iyan naniniwala sa mga santo kaya dapat ipagdasal na lang sila ng kanilang mga pastor.
Pero kami, ipagdarasal pa rin namin si Inday, mabait na tao naman iyan eh, magulo lang kung minsan ang mga anak.