Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Geronimo Mommy Divine

Sarah at Mommy Divine okey na okey na

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKATUTUWA naman at nagkabati na pala sina Sarah Geronimo at ang mga magulang niya, lalo si Mommy Divine na matagal din naman niyang hindi nakausap. Nagsimula lang naman iyan dahil sa ginawa niyang pagpapakasal kay Matteo Guidicelli na hindi alam ng mga magulang niya. Wala isa man sa pamilya nila ang nakasaksi sa ginawa niyang pagpapakasal maliban sa kanyang driver at alalay.

 At hindi pa malalaman ni Mommy Divine na ikinakasal na pala siya kung hindi nagsumbong ang kanyang driver/bodyguard kaya nakasugod iyon sa kasal. Pero wala na rin dahil tapos na ang kasal nang datnan ng ina. Ikinasal sila sa isang born again rites sa isang restoran ng isang hotel sa Makati. Magmula noon hindi na sila nagkausap pa. Pero kasabihan nga, basta kinalaban mo ang mga magulang mo, my karmang naghihintay sa iyo, dahil ang paggalang sa magulang ang tanging utos ng Diyos na may karungtong pang pagpapala.  Simula naman noon ay obvious na tumamlay ang career ni Sarah ganoon din naman ang kay Matteo. Walang malaking hit song si Sarah ng mga dalawang taon na yata. Si Matteo naman ay nasalo lang ang pelikulang dapat sanang ginawa ni James Reid noon, iyong Pedro Penduko na isinali sa MMFF pero hindi rin naman naging isang malaking hit.

Ngayon nga ay on speaking terms na silang muli ng mga magulang ni Sarah at sana nga ay manatili na lamang ganoon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …