Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jhassy Busran

Jhassy Busran engrande ang pagdiriwang ng 18th birthday

MATABIL
ni John Fontanilla

ENGRANDE at very memorable ang pagdiriwang ng 18th birthday ni Jhassy Busran na ginanap kamakailan sa Stalla Suites Events Place, Quezon City.

Sa mensahe ng dalaga,  “Aminado akong hindi ako showy sa mga appreciation ko sa mga tao, kaya para sa akin, bihira ang mga ganitong moment. 

“Gusto ko lang na ma-witness ninyo kung gaano ko na-appreciate ang mama ko sa walang sawang suporta na ibinibigay niya. Ang buong pamilya ko, kasama ang papa kong si Jamil, kuya Jhastine, lolo at lola, tito at tita, mga pinsan ay malaking bahagi ng buhay ko. 

“Pero iba ang effort ni mama. Kaya’t hindi ko lang ito celebration, kundi celebration din ito ni mama sa pagiging matatag at very supportive na ina.

I chose to hold a birthday party rather than travel abroad, because this is a once-in-a-lifetime celebration. Every teenager dreams of celebrating their 18th birthday with their friends and family. I wanted to make this moment special with 18 roses, 18 gifts, 18 bills, and 18 wishers. What matters to me are these moments with the people who have been a part of my journey.

Sa kabila ng pagiging abala ko sa showbiz, ipinapangako ko kay daddy at kay lola na hindi ko pababayaan at tatapusin ko ang pag-aaral ko. Gagawin ko ang lahat para maabot ang mga pangarap ko, hindi lang para sa akin, kundi para sa aking pamilya.

Ilan sa nakita naming dumalo sina Direk Gabby Ramos, Paolo Bertola, Mario Alaman, Beaver Magtalas,Diego Llorico, Bamboo Bobadilla, Keeno Alonzo, Heindrick Sitjar, Cassy Kim, Mommy Josie Paynor, Mommy Filipinas Magtalas at ilang entertainment press.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …