ni Ed de Leon
IBANG klase rin ang trip ni Direk. Minsan daw basta dumating ito sa set nila, ang sasabihin agad niyon ay matinding stress na ang kanyang nararamdaman. Problema rin kasi ni direk ang budget ng mga proyektong ginagawa niya dahil umaasa lang siya sa katiting na nakukuha sa sponsors at napakalaki ng gastos niya sa produksiyon.
Ginagawa lang naman daw niya ang mga project na iyon para hindi mawalan ng trabaho ang mga kabigan niya at ang mga male star na napangakuan niya ng trabaho at stardom sa mga gay indie niya.
Pero may isang male starlet na kulukadidang yata ni direk na alam na alam kung paano mawawala ang kanyang stress at pakakalmahin siya. Yayayain lang daw siya ng male starlet sa isang sulok at hahayaan siyang hawakan at gawin kung ano ang gusto niya sa private parts niyon. Pagkatapos, malamig na ang ulo ni direk at wala na rin ang kanyang stress, mabait na siya sa lahat ng mga artista at crew sa set.
Natutuhan na rin daw iyon ng ilan pang male stars na lagi niyang kasama kaya ngayon pare-pareho na silang marunong kung paano pakakalmahin si direk.
At least iyan with consent kaya walang nagrereklamo.