Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
SV Sam Versoza Rhian Ramos

Cong. Sam Verzosa namigay ng negosyo sa 100 katao; sinorpresa ni Rhian

MATABIL
ni John Fontanilla

BUMAHA ng luha sa labis na kasiyahan ang may 100 netizen na nabigyan ng negosyong siomai food cart na handog pasasalamat ni Cong. Sam Verzosa na ginanap sa MLQU Quarantine sa Manila.

Sa selebrasyon ng kaarawan niya sa kanyang top rating tv show na Dear SV na napapanood tuwing Sabado, 11:30 am sa GMA 7 naganap ang pagbibigay ng negosyong pangkabuhayan.

Kaya naman ‘di naiwasang maiyak ng mga taong nakatanggap ng negosyong pangkabuhayan na galing kay Cong. Sam. Maging ang host, public servant & philanthropist ay naluha rin sa nakikita niyang kasiyahan sa mga taong nabibiyayaan niya ng negosyo.

Negosyo nga ang naisip na ibigay ni Cong. Sam dahil pang long term itong mapakikinabangan depende na rin sa pagpupursigi ng mga ito na mapalago ang pang umpisang negosyong ibinigay sa kanila ni Cong. Sam.

Ito rin ang paraan ni Cong. Sam para ibalik ang pasasalamat sa Diyos sa dami ng blessings na ibinibigay sa kanya, ang makatulong sa mga taong hirap sa buhay  at nangangailangan ng tulong.

Nasorpresa rin si Cong. Sam sa pagpunta ng kanyang GF na si Rhian Ramos na nagsilbing co-host nito ng araw na iyon. Hindi inaasahan ng kongresista ang pagdating ng GF. 

Ayon nga kay Rhian suportado niya 100% si Sam sa charities na ginagawa nito, dahil alam nito na ibang saya ang nakukuha ni Sam sa pagtulong.

Sa ngayon ay pinag-aaralan ni Cong. Sam ang hiling ng mga taong tumakbo siya bilang alkalde ng kalakhang Maynila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …