ni Ed de Leon
KAYA pala madalas na nakikita sa isang television studio ang isang male starlet kahit na hindi naman siya kasali sa public affairs show na nagte-taping ay dahil boylet pala siya ng isang host ng public affairs program na iyon. Ang hosts na pigil na pigil ang pagkabading ang siya palang nagbigay ng town house na tinitirahan ngayon ng male starlet.
Solo lang ang male starlet sa townhouse. Hindi niya isinama roon ang kanyang pamilya, dahil paminsan-minsan ay doon daw nagpapalipas ng gabi ang kulukadidang niyang bading. Iyon ay kung hindi naman siya nakakapunta sa condo niyon sa Makati.
Ewan kung alam ng misis ng bading ang tungkol sa male star. Pero alam daw naman ni misis na sumasayaw ng Santa Clarang pinonh-pino ang kanyang asawa noon pa man.