Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Liza Soberano James Reid

Liza kompirmadong wala na sa Careless

HATAWAN
ni Ed de Leon

NGAYON mismong ang Careless Music na ni James Reid ang naglabas ng statement na wala na nga sa management company nila si Liza Soberano simula pa noong July 29. Noong Oktubre pa ng nakaraang taon lumabas na umalis na raw si Liza sa kompanyang itinatag ni James at ng kasosyo niyang Koreano na hinuli naman sa Pilipinas dahil pumasok sa negosyo ng wala namang permit mula sa gobyerno. Pero iyon ay ikinaila ni Liza at ng Careless ni James.

Bukod kay Liza, nawala na rin ang iba pang mga talent na nagsimula kasama ni James.

Wala na ring narinig sa isa sa mga una niyang artist na si Bret Jackson. Hindi naman natuloy sa kanila si Nadine Lustre dahil nanalo sa demandahan ang Viva na sinabi ng korte na may valid contract siya hanggang 2029.  Ang natitira na lang yata sa management nila ngayon ay ang syota ni James na si Issa Pressman.

Maging ang career naman ni James ay hindi umasenso sa ilalim ng Careless. Maski ang mga kanta  niyang sinasabing hit daw ay hindi naman halos naririnig sa radyo. Sa ngayon naman ay kailangan pa rin ang airplay ng musika dahil kung wala rin namang magda-download niyon at magbabayad pa ng mahal sa internet streaming.

Lumalabas pa sa mga usapan na wala naman daw naitulong ang Careless kay Liza na sumama sa kanila dahil sa pangakong career bilang isang artista sa Hollywood. Ngayon may tsismis pa na si Liza naman daw mismo ang naglalakad ng mga maliliit na raket na ginagawa niya sa Amerika. Hindi rin naman daw ang Careless ang ka-deal ng mga producer ng isang American B movie na kanyang ginawa at nag-flop pa.

Iyon daw ang dahilan kung bakit pinili na ring umalis ni Liza at nag-unfollow pa agad sa social media account ng Careless para malaman ng lahat na umalis na siya roon.

Naisip na nga kaya ni Liza na careless decision ang pag-alis niya sa Pilipinas at umasa sa isang Hollywood career?  Hindi ba niya naisip na kung kaya nga iyon ng Careless, dapat ay si James na muna ang ipinasok nila sa Hollywood.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …