Saturday , January 4 2025
Jose Javier Reyes FDCP

FDCP Chair Joey gustong unahin restoration ng mga lumang pelikula

HATAWAN
ni Ed de Leon

INAMIN ni FDCP Chairman Joey Reyes na talagang gusto niyang unahin ang restoration ng mga lumang pelikula natin. Maraming mga kinikilalang klasikong pelikulang Filipino ang wala na ngayong kopya. Hindi kasi nai-restore agad iyon at nasira na ang mga negative maging ang mga kopya ng pelikula.

Noon kasing araw ay sinisimulan na iyan ng Experimental Cinema of the Philippines. Hinahanap na nila ang mga klasikong pelikulang Filipino at inire-restore na, kaso natigil iyon nang magkaroon ng power grab sa EDSA, pinabayaan ang mga proyektong nasimulan noong administrasyong Marcos. Pinabayaan pati na ang Manila Film Center na pinasok ng tubig dagat kaya nasira ang mga kopya ng pelikula sa archieves maging iyong nai-restore na.

Talagang mahirap at magastos ang restoration ng pelikula, karaniwan ay umaabot iyon ng P2-M at hindi na mababawi ang gastos dahil iyon ay ilalagay na lang naman sa mga free screening para mapag-aralan at hindi na pagkakakitaan. Kaya nga maski na ang mga malalaking producers hindi na interesado sa restoration ng kanilang mga pelikula. Pero para kay direk Joey, sayang ang mga pelikulang trabaho ng masters ng Philippine Cinema. Sayang ang trabaho ng mga national artist, lalo na ang mga namayapa na. Noon may napanood pa kaming classics na naka-print sa  16 o 8MM  film na nasa Film Institute of the Philippines. Pero simula noong mamatay na si Ben Pinga at nawala na rin ang opisina ng FIP sa LVN, hindi na rin namin alam kung ano ang nangyari

 sa kopya ng mga pelikulang iyon. Doon namin napanood ang mga pelikula nina Manuel CondeManong Gerry de Leon, direk Ramon  Estella Lamberto Avellana, at marami pang iba. Nasa kanilang library din  ang istorya sa development ng pelikula sa Pilipinas. Pero lahat ng iyon ay nawala na. Noon pa problema ni Ben kung paano ang mga klasikong pelikulang Filipino ay maipaliipat sa 16mm o kahit na sa 8mm para lang may kopya kung kailangan. Wala pang video noong panahong iyon. At magastos ang film catalogue dahil kailangan ang isang malaking film library at dapat kontrolado ang temperatura, at laging nare-revised para hindi magkaroon ng amag. Pero noon maliban sa Film Institute ay walang interesado. Noon na lang nagkaroon ng ECP at saka nasimulan ang archieves ng pelikula, na pinabayan din namang masira ng mga nasa kasunod na gobyerno.

Dapat lahat ng makabuluhang pelikual ay mai-restore kung makakaya. Huwag lang iyong mga kagaya niyong Pido Dida na dapat na talagang mabasura.

About Ed de Leon

Check Also

TVJ Tito Vic Joey Eat Bualaga

 TVJ wagi na naman, muling kinatigan sa paggamit ng Eat Bulaga!

I-FLEXni Jun Nardo MALAKING selebrasyon ang naganap sa Eat Bulaga noong January 1, 2025. Ipinagpatuloy …

Uninvited mapapanood na international

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI pa man tapos ang showing ng pelikulang Uninvited nina …

Judy Ann Santos Juday

Judy Ann excited sa 2025, 2024 makulay maraming learnings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “ITO ang exclamation point ng 2024 ko!” Ito ang caption …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

Rozz Daniels

Rozz Daniels,  ire-revive kantang “Ibang-Iba Ka Na” ni Renz Verano

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PATULOY ang paghataw ng singing career ng US-based Pinay singer …