MATABIL
ni John Fontanilla
DESIDIDONG magbalik-showbiz ang panandaliang nawala sa limelight after mag-end ang contract sa Kapuso Network na si Hiro Magalona.
Sunod-sunod noon ang mga proyektong ginagawa ni Hiro sa GMA na siya ang leadingman, pero napagod ito at nagdesisyong lisanin ang showbiz pansamantala at nag-focus sa pagnenegosyo.
Pero ngayong 2024 ay handang-handa nang magbalik-showbiz dahil aminado itong sobrang na-miss ang pag-arte sa telebisyon at pelikula.
“Sobrang na-miss ko ang showbiz, kaya naman eto ako ngayon susubok ulit baka mabigyan ng pagkakataong makabalik.
“Akala ko kasi okey na ako na nagnenegosyo na lang pero nakaka-miss pala ang pag-arte, kaya sana magkaroon ako ulit ng teleserye at pelikula,” ani Hiro.
Sa ngayon ay nasa proseso ng pagpapaganda ng katawan si Hiro para kapag nabigyan na siya ng pryekto ay handang-handa na.
Ilan sa mga pangarap niyang makatrabaho sina Marian Rivera, Heart Evangelista, Barbie Forteza, Kathryn Bernardo, Nadine Lustre at ang kanyang mga naging kapareha na sina Kim Rodriguez at Kris Bernal.