Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Boobsie Wonderland

Boobsie Wonderland deadma sa lovelife, trabaho muna ang uunahin

MATABIL
ni John Fontanilla

MALUNGKOT man sanhi ng ‘di nila pagkakaunawaan ng tatay ng kanyang mga anak na nagresulta ng kanilang paghihiwalay,  pilit itong kinakaya ng mahusay na komedyana na si Boobsie  Wonderland.

Masakit na humantong kami sa paghihiwalay sa matagal naming pagsasama, pero kinakailangan para na rin sa kabutihan ng bawat isa.

“Aminado naman ako na minahal ko ‘yung tao, pero dumarating din ‘yung time na parang mapupuno ka, ‘yung masasabi mo sa sarili na tama na, ‘yun ‘yung na feel ko kaya naisipan kong makipaghiwalay,” ani Boobsie.

Sa ngayon ay mas focus si Boobsie sa trabaho para sa sarili, mga anak, at pamilya at wala munang time sa pag-ibig.

Siguro for now mas priority ko ang magtrabaho nang magtrabaho para na rin sa aking sarili, sa mga anak ko at sa pamilya, at saka na ang pag-ibig, pahinga muna,” dagdag pa ng komedyana.

Sa ngayon ay regular na napapanood si Boobsie sa Wil To Win ni Willie Revillame na napapanood sa TV5 at sa mga out of town show.

Mabuti na lang busy ako sa dami ng trabaho na dumarating sa akin na ipinagpapasalamat ko ky lord, and nagpapasalamat din ako kay Kuya Will (Willie Revillame) dahil kinuha niya ako para maging part ng ‘Will To Win’ sa TV5,” saad pa ni Boobsie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …