MATABIL
ni John Fontanilla
SA pamamagitan ng social media ay nagbigay ng saloobin ang Comedy Concert Queen na si Ai Ai Delas Alas ukol sa pag-ayaw ng pamilya ni Carlos Yulo lalong-lalo na ng kanyang inang si Angelica Yulo sa girlfriend nitong si Chloe San Jose na naging ugat ng hidwaan nilang mag ina.
Ani Ai Ai base sa kanyang sariling experience, minsan na rin niyang sinuway ang kanyang ina pagdating sa pag-ibig na kalaunay ‘di rin nagtagal ang naging pagsasama nila ng ipinaglabang karelasyon.
Kaya naman naniniwala ito sa kasabihang, mother knows best.
Kaya may payo si Ai Ai na idinaan nga nito sa kanyang Facebook account, “May kasabihan nga pagibig pag pumasok kanino man hahamakin lahat masunod ka lamang .. pero mas naniniwala ako sa kasabihan (pag dating to sa pagibig ahhh) Mother knows Best … at sinasbi ko din yan sa mga anak ko pag dating sa pagibig kasi na experienced ko na hindi sumunod sa nanay ko pag dating sa usaping lovelife… ayun flop lahat.”