Friday , November 15 2024
James Reid Liza Soberano

Liza nag-unfollow sa Careless ni James, career sa Holywood bye-bye na

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANO talaga ang nangyari kay Liza Soberano, ngayon naman ay nag-unfollow na siya sa Careless Music ni James Reid na siyang “supposed to be” ay nagma-manage ng kanyang career sa Hollywood. Ano na nga ba ang nangyari?

Kung sa bagay, mga ilang buwan na ang nakararaan may balita na ngang kakalas na iyang si Liza sa Cereless, pero pinabulaanan iyon ni James at nasundan pa ng ilang event na magkasama na naman silang dalawa. Pero kapansin-pansin na ang sinasabi ni Liza, makikipag-collab na siya sa mga Koreano? Natapos na ba ang ilusyon niyang maging isang Hollywood star?  Noon sinasabi ni James na gagawin nilang isang malaking Hollywood star si Liza.

Pero ang lumabas, iyong matagal na naming sinasabi, mahirap iyan dahil wala pang koneksiyon man lang iyang Careless sa Hollywood. At sa Hollywood, kailangan ang maraming taon ng karanasan bago mo makuha ang respeto ng mga Kano at makumbinsi silang makipag-deal sa iyo. Isa pa, may Hollywood pa ba? Kasi halos sarado na ang mga malalaking kompanya at sila ay nananatili na lamang distributors ng ginagawa ng ibang producers. Obsolete na iyang malalaking studios na ipinagmamalaki nila noon para sa pag-gawa ng pelikula ngayon. Iyong mga studio nila  ginawa na lang pasyalan ng mga tao.

Rito nga sa atin ganoon din eh. Iyong LVN ginawa na lang mga condominium. Iyong Sampaguitagagawin na raw mall at condominium din.

Iyong ABS-CBN na lang ang narinig naming nagpatayo pa ng studioo sa San Jose del Monte. Tapos hindi naman nila nagamit dahil nasara na sila.

Nawala ang pangangailangan sa mga studio nang lumabas na maaari palang mag-shoot on location dahil mas makatotohanan iyon kaysa gumawa ng mga mahal na set. Isa pa, sa panahong ito maski na ang location nakukuha kahit na saan lang, gagawin nilang background na CGI na lang. Hindi na rin kailangan ang katahimikan at isang controlled crowd. Kasi kahit na anong sound pa iyan nagagawa na ring i-dub sa mas maliliit na dubbing studios. Ngayon nga hindi na studio dahil video na lang ang ginagamit nila ngayon.

Kaya iyang “hoillywood dream” pangarap na lang iyan ngayon dahil sa totoo lang wala na iyan. Eh iyong mga hindi alam ang takbo ng negosyo at industriya naniniwala pa sa ganyan. Kagaya nga niyang si Liza na nagmamadaling lumayas sa Pilipinas para maging isang Hollywood star.

Lumalabas ngayon na wala palang nagawa para sa kanya ang Careless ni James, eh careless nga eh. Lumalabas na si LIza rin pala ang humahanap ng raket niya para siya magkaroon ng trabaho sa “Hollywood” hindi kagaya noong nasa Pilipinas siya na naging instant star siya, naghihintay na lang ng proyekto, tumatanggap ng pera, nakaiipon kaya nga may nagasta pa siya sa kanyang pananatili sa Hollywoiod kahit na walang masyadong kita eh.

Sa Pilipinas, milyon ang nahahawakan niya, eh sa abroad, dollar nga barya naman. Kung malaki ang kita niyan sa abroad, tiyak na katakot-takot na press release na iyon at post sa social media. Eh wala eh, ang sinasabi lang nag-attend ng premiere ng pelikula na hindi naman sa kanya. Nagpunta siya sa isang event na hindi naman siya kasali at kasama lang sa audience, gumagastos pa siya sa gown na kailangan niyang gamitin.  Ang hindi kasi naisip ni Liza, sa Pilipinas ay maganda siya, pero sa US karaniwan na ang mga ganoong mukha. Isipin ninyo, kung si Lea Salonga nga na itinuturing ng isang star sa Broadway nanalo ng grand slam sa buong mundo, mula sa Laurence Olivier Awards sa London hanggang sa lahat ng awards sa US, umuwi rito sa Pilipinas pagkatapos ng kontrata. Alam naman ninyo when you talk of London and Broadway, you are talking about the world, hindi lang five continents na wala pa yata sa mapa ang iba. Ibig sabihin hindi pa rin nagbabago ang kalakaran, mahirap pa  rin sa Pinoy na makapasok sa Hollywood.  Kung si Lea nga hinarap ang katotohanang ganoon eh si Liza pa? Bakit at ano ang dahilan?

About Ed de Leon

Check Also

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …