Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Teejay Marquez

Teejay mali ng diskarte, pagto-thong walang dating

HATAWAN
ni Ed de Leon

PARANG nagmumukha namang kawawa si Teejay Marquez, naghirap siyang nagpaganda ng katawan, naglakas loob siyang nagsuot ng thongs, tapos wala man lang pumansin sa kanya. Ni walang tumulong sa kanya, kaya kung napansin ninyo walang lumabas tungkol sa kanya sa lehitimong media, at lumalabas lang siya sa social media, at kailangang siya pa mismo ang mag-post niyon dahil kung hindi walang maglalabas.

Bakit nangyari ang ganoon? Kasi ang sabi naman ng mga kritiko, ginawa na raw iyan nina Wendell Ramos at Markki Stroem ilang taon na ang nakaraan at mas daring pa ang naging performance ng dalawa kaysa ginawa ni Teejay. Isa pa sinasabi nila na hindi raw kasi matangkad si Teejay kaya hindi rin ganoon ka-impressive ang ginawa. Ang projection din daw nina Wendell at Markki ay mga macho men, samantalang si Teejay ay parang twink ang dating.

Nagkamali nga kaya si Teejay ng diskarte nang gawin niya iyon sa fashion show na iyon kaya wala halos nakapansin sa kanya? Natural hindi aaminin si Teejay pero tiyak iyon, umasa siyang sa gagawin niyang iyon ay mapag-uusapan siya at maaaring makatulong para umangat ang kanyang career pero kulang nga siguro sa plano o masyado siyang naging confident na ok na iyong gagawin niya.

Ngayon sa aminin man niya o sa hindi, nasa plan B na siya, para huwag namang masayang ang kanyang ginawa, siya na mismo ang nagpo-post ng lahat ng iyon sa kanyang mga social media account. Hindi rin niya naisip na sa gibagawa niya, mas lumalabas na walang ibang pumansin sa kanya which is not good.

Marami na rin naman siyang maling diskarte sa kanyang career, maging sa mga ginawa niyang pelikula na ang ilan ay hindi pa mailabas sa mga sinehan. Sa palagay namin ang kailangan ngayon ni Teejay ay restructuring ng kanyang career. Magbago na siya ng diskarte kung gusto niyang umangat dahil ang naging diskarte niya lately ay hindi nga maganda. Hindi naman umangat ang career niya bilang isang artista. Isa pa, lagi siyang biktima ng masasamang publisidad na nagmumula rin naman sa social media.

Sayang na bata, may hitsura, may talent din naman at malakas ang loob. Kulang nga lang sa diskarte sa kanyang career kaya hindi tumama sa tamang market.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …