HATAWAN
ni Ed de Leon
OKEY naman talaga ang magbakasyon muna si Sandro Muhlach sa ibang lugar para malibang muna siya matapos ang katakot-takot na imbestigasyong hinarap at may nadarama pa siyang trauma. Kasama ang buong pamilya niya, nagbakasyon sila sa Cebu.
Hopefully makatulong nga kay Sandro ang kanyang bakasyon. Sana nga ay maibsan na kahit paano ang nadarama niyang trauma dahil tiyak iyon paulit-ulit na naman siyang tatanungin ng nangyari sa kanya sa pagharap nila sa korte at napakabigat na dalhin sa damdamin ng isang tao ang mga bagay na kagaya niyon.
Lalo pa ngayon na sinasabayan pa ng mga naninira sa kanyang kredibilidad. Ganoon naman talaga kung may kaso ka sa korte, may mga taong naghahangad na panghinaan ka ng loob at masira ang kredibilidad mo. Kung sa bagay, alam naman nila iyon at naisumbong na rin niya sa cyber crime division ng NBI.