MATABIL
ni John Fontanilla
PINUSUAN ng netizens ang ginawang pagbabakasyon ni Sandro Muhlach at anak ng dating Child Wonder ng Philippine showbiz na si Nin̈o Muhlach sa Cebu City kamailan.
Ayon sa netizens, mas makabubuti ang ginawang pagbabakasyon ni Sandro para unti-unting makalimot sa ‘di magandang karanasang nangyari.
Kamakailan ay nagsampa ito ng reklamong rape through sexual assault laban sa mga umabuso sa kanya.
Napansin nga ng mga taong nakakita kay Sandro sa Cebu na malaki ang ipinayat nito dulot marahil ng stress at depression.
Ilan sa pinuntahan ni Sandro sa Cebu ang Basilica Minore del Sto. Niño at ang Magellan’s Cross.
Ilan sa naging komento ng netizens ang mga sumusunod.
“That is perfect! To divert his attention to something that is good.”
“Better po talaga gumala siya kasi kung magstastay lang siya sa bahay mas matritrigger po yung depression niya.”
“May God be with you and give you justice.”
“He’s pale and has a sickly pallor. You are in our thoughts and prayers, Sandro. Tibayan mo loob mo. Madaming-madami kami on your side.”
‘Namayat na siya. Kawawa naman. Laban lang Sandro! Laban lang.”