HATAWAN
ni Ed de Leon
“HINDI naman ako na-harass pero ang feeling ko na-exploit ako,” sabi ng isang not so young star nang tanungin tungkol sa mga nangyayaring sexual harassment.
In the first place hindi na siya bata dahil 28 years old na siya. Inaamin din naman niyang noong araw ay nautakan siya at nagkaroon siya ng scandal video pero hindi na niya nalaman kung sino ang gumawa at nagkalat niyon.
Inamin niyang dahil sa kanyang mga naging karanasan sa buhay, hindi naman niya masasabing pinilit pa siya, pero siguro nga na-exploit siya, kasi pumayag siya kapalit ng mga ipinangako sa kanyang pabor at so far naman daw ay tinutupad ng nangako sa kanya ang lahat ng pangako.
“At saka hindi naman ako magrereklamo. Maliban na lang kung puwersahin akong ipagawa sa akin iyong hindi ko talaga ginagawa. Okey lang naman ang ganyang usapan eh basta wala lang puwersahan.
Ngayon kung pinupuwersa ka na kahit na ba magbayad pa siya eh, magrereklamo pa rin ako. Pero hanggang wala namang ganoon ok lang,” sabi ng isang male starlet.