I-FLEX
ni Jun Nardo
TINATAMAD na raw mag-showbiz ang sexy star na si AJ Raval ayon sa ama niyang si Jeric Raval.
Sinabi ito ni Jeric sa special screening ng pelikulang pinagbibidahan, ang Marco Mamay Story.
Pinabulaanan din ng action star na nagli-live in ang anak at ang boyfriend na si Aljur Abrenica. Kaya naman natsismis ang dalawa nang maispatan na may kasamang bata habang namamasyal.
“Apo ko ang bata sa anak kong si Ace, ‘yung rapper. Marami akong anak at marami na rin akong apo. Hindi kina AJ at Aljur ang bata,” saad ni Jeric at hindi na nagbigay pa ng dagdag na pahayag.