Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gerald santos

Gerald walang sinabing Kuya Germs sa inirereklamo

HATAWAN
ni Ed de Leon

FAKE news iyon, walang binanggit ang singer na si Gerald Santos tungkol kay Kuya Germs na iginigiit ng isang vlogger. Nabanggit lang ang pangalan ni Kuya Germs dahil ang inireklamo niyang musical director at composer na si Danny Tan ay may ginawang kantang tribute sa batikang host. Sa hinaba-haba ng panahon na si Kuya Germs ay nasa showbusiness, walang nagreklamo laban sa kanya at kahit na tsismis o bintang ay wala naman.

Propesyonal si Kuya Germs sa kanyang pakikipag-deal sa lahat ng tao sa showbusiness, kaya naman matindi ang respeto sa kanya ng mga tao maliban na lang sa ilang nakalaban niya na gumawa rin ng mga tsismis na hindi naman totoo.

Iyang mga blogger talagang iyan, para lang may magbasa sa inilalabas nila o manood ng kanilang video kung sino-sino ang kanilang idinadamay, kaya naman marami na ang nasa-cyber libel sa kanila. Ang totoo kinakalaban pa nga si Kuya Germs ng isa sa mga executive ng GMA noon na nabanggit ni Gerald na protektor daw ni Danny.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …