Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Daniel Padilla Richard Gutierrez Coco Martin

Action-serye nina Daniel, Richard makikipagsabayan kay Coco

HATAWAN
ni Ed de Leon

MABUTI naman at matapos ang dalawang taon ay muling magkakaroon ng isang serye sa telebisyon si Daniel Padilla. Wala ang kanyang malakas na partner na si Kathryn Bernardo pero isa iyong action series na kasama si Richard Gutierrez na walang dudang nakapagdadala rin ng sarili niyang serye at kilala na sa action series. Tama rin naman ang dating ng project na iyan dahil sa edad ni Daniel sa ngayon, parang wala na sa ayos iyong lover boy ang kanyang role. Kailangan na niyang mag-shift ng takbo ng career at saan nga ba sumikat ang lahat ng Padilla kundi sa action.

Pero dapat maihanda pa rin nila ang mga tao sa shift na iyan sa image ni Daniel na gagawin nilang isang action star sa seryeng iyan. Alam naman ninyo ang fans, hahanapin pa rin nila iyong cute at guwapo si Daniel sa kanyang ayos na hindi naman magagawa kung action star na nga siya.

Isa pa paano maba-balance ang roles nila ni Richard? Natural lang naman sa kampo ni Richard na igiit ang kanyang seniority, pero maari ba namang basta maiwan si Daniel na napatunayan na rin namang isang malaking star on his own?

Isa pa, tiyak na makababangga rin nila ang Batang Quiapo kahit na sabihing iba ang kanilang oras at nasa iisang network din sila. Dahil pareho silang action, at malanmang sa hindi ay magkasunod ang serye nila, magkakaroon tiyak ng comparison. Pero halata namang inilayo nga nila ang istorya dahil kung ang serye nina Daniel at Richard ay parang high action, aksiyong kalye naman ang Batang Quiapopero kahit na, tiyak na may comparison pa rin iyan.

Sa labanan kayang iyan, sino ang mamamayani, sina Richard at Daniel o si Coco Martin pa rin? May partida na nga, magkasama ang following nilang dalawa ni Richard, samantalang nag-iisa lang si Coco, pero matatalo ba nila ang huli?

Pero alam naman inyo ang laban sa telebisyon, parang basketball din iyan at may kasabihan bilog ang bola.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …