Wednesday , September 11 2024
Converge Surf2Sawa Brgy S2S

Brgy S2S: Walang-Sawang Saya, Palaro, at Papremyo Hatid ng Surf2Sawa at Converge sa Inyong Lugar

Metro Manila, Philippines – Ayon sa census (PSA 2020), halos 35 porsyento ng populasyon sa bansa o kulang-kulang 9.5 milyong households ang kabilang sa may mga pinakamababang income. Ang nasabing bilang ng mga pamilya ay nagsusumikap na matustusan ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan tulad ng tirahan, pagkain, edukasyon, at pati na rin access sa internet data.

Kaya naman nakakatuwa ang kalalabas lang na balita na mas dumami na ang bilang ng

 masang Pilipino ang naging konektado sa unlimited internet dahil sa reliable, affordable, at flexible prepaid fiber plan ng Converge na Surf2Sawa (S2S).

Kaya para ipagdiwang ang patuloy na paglago ng S2S, inanunsyo ng kumpanya ang bagong proyekto na siguradong kagigiliwan ng mga fiberkads sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Tara na, Fiberkads sa BRGY S2S!

Ito ay isang mala-fiesta na selebrasyon na dadayo sa mga piling lugar sa Metro Manila, Luzon, Visayas, at Mindanao para maghahatid ng walang-sawang saya, palaro, at papremyo. Bukod dito, meron din silang kasamang mga special guests at pati na rin ‘sangkatutak na pakulo at sorpresa tulad ng libreng street food, gupit, at marami pang iba.

Ang grand launch ng BRGY S2S ay gaganapin sa Villa Rebecca Covered Court, Tandang Sora, Quezon City, Sabado, Agosto 10, simula 6 a.m hanggang 6 p.m. Makiki-Dance2Sawa din ang sina Rochelle Pangilinan, Sexbomb Cheche Tolentino, founder and choreographer Joy Cancio, at ang SB New Gen.

Maliban sa walang-sawang kasiyahan, layunin din ng BRGY S2S na ilapit sa mga pamilya sa bawat komunidad ang magandang serbisyo at benepisyo na dala ng Surf2Sawa. Ang mga residente na mag-susubscribe sa Surf2Sawa sa venue ay makakabitan agad ng internet sa parehong araw at makakatanggap pa ng 50% discount sa installation fee mula sa Instant Connect promo ng Brgy S2S. Pipili din ang Surf2Sawa ng tatlong maswerteng pamilya na makakatanggap ng libreng internet subscription para sa bagong season.

Ang Surf2Sawa o S2S ay ang prepaid fiber internet plan na mura, unlimited, at walang kontrata. Ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa bawat tahanang Pilipino na maging konektado sa internet sa mababang halaga na P4.00 kada araw bawat user (hanggang 6 na devices ang pwede kumonekta).

Ang internet connectivity ay hindi na lamang luxury kundi mahalagang tool para sa pag-angat sa buhay,” ayon kay Sandra Zira Tubale Dingal, Head of Consumer Marketing ng Converge. Misyon ng BRGY S2S ang magdala ng pinaka-sulit sa budget na high-speed internet sa bawat barangay sa Pilipinas, para lahat ay maging konektado sa digital world, lalo na para sa trabaho at school,” dagdag pa nito.

Nais ng Converge Surf2Sawa Team na hikayatin ang iba pang mga barangay na sumali sa digital revolution at maging bahagi ng BRGY. S2S—kung saan ang lahat ay maaaring magtagumpay sa isang connected na mundo.

About hataw tabloid

Check Also

Cebu

Cebu mayor Rama pumalag vs pagpapakalat ng maling info ng isang opisyal ng lungsod

MARIING kinondena ng kampo ni Cebu Mayor Michael Rama ang ipinapakalat na balita ng isang …

Quiboloy sumuko

Sa 24-oras ultimatum ng PNP
QUIBOLOY, 4 PA SUMUKO

IMBES arestohin, binigyan ng pagkakataong sumuko ng mga awtoridad ang puganteng pastor na si Apollo …

Marlon Bernardino Laos International Chess Open Championship

Filipino & US Chess Master
Bernardino nagkamit ng Ginto sa 3rd Laos International Chess Open Championship 2024

Vientiane, Laos — Muling nagwagi ang 47-anyos na si Filipino at United States Chess Master …

Arrest Posas Handcuff

Sa Bacolod
Lalaki nang-hostage ng sariling pamilya, sinakote ng pulisya

ARESTADO ang isang 38-anyos lalaki matapos bihagin ang kaniyang sariling pamilya sa bahay ng kaniyang …

SSS Cellphone

SSS nangakong magbibigay ng social security protection sa mga barangay official

ITINULAK ni Social Security System (SSS) President at Chief Executive Officer Rolando Macasaet ang pagiging …