Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sandro Muhlach Nino Muhlach Diane Tupaz

Niño at Diane ‘di palalampasin ‘nanamantala’ sa kanilang anak

HATAWAN
ni Ed de Leon

WALA pa namang binabanggit kung sino-sino ang talagang involved sa isang hindi magandang pangyayari matapos ang isang party ng isang network. Doon daw mismo sa hotel na isinagawa ng party, isinama ng dalawang bading na program executives ang isang baguhang actor. Pinainom iyon ng alak at nang malasing ay pinagsamantalahan daw nila.

Naging trending iyan sa social media, hanggang sa may lumabas na ngang reaksiyon mula kay Nino Muhlach, at sa kanyang asawang si Diane Tupaz na nagsabing, “hindi namin mapalalampas ang pambababoy sa aming anak. Pinalaki namin ang aming mga anak ng maayos, hindi para babuyin lamang nila ng ganoon,” sabi ni Diane.

Dahil sa mga statement na iyan hindi man sabihin ay mukha ngang ang tinutukoy sa mga blind item ay si Sandro Muhlach.

May mga tumutukoy na rin sa pangalan ng mga sangkot, pero wala pang kompirmasyon iyon. Mahahayag lang siguro iyon kung matutuloy na ngang isampa ng pamilya ng biktima ang mga demanda laban sa dalawa na umano ay nagsamantala sa kanya.

Pareho ang mag-asawa na nagsabing hindi nila palulusutin ang ganoong kalokohan. 

Samantala nananahimik din naman ang dalawang sinasabing may kagagawan ng kaguluhan siguro ay umaasa silang lilipas din ang galit ng pamilya ng actor sa kanila at makalulusot sila sa kanilang ginawa.

Sa takbo ng mga pangyayari hindi mo masasabing ngayon lang ginawa iyon ng dalawa. Tiyak na may iba pa silang naging biktima, na nanatili na lang tahimik dahil siguro nahihiya kung malalaman pa ng ibang tao ang naging karanasan nila. Pero nagkamali ang mga bakla dahil sa pagkakataong ito ay pumalag ang kanilang biktima at desidido naman ang pamilya na habulin at pagbayarin sila sa ginawa nilang kahalayan doon sa bata.

Sana nga makulong sila para huwag na silang pamarisan ng iba pang mga bakla.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …