Sunday , December 22 2024
Movies Cinema

Pelikulang Ingles kumita kahit may bagyo, indie film ‘tinangay’ ng anod

HATAWAN
ni Ed de Leon

SA kabila ng kasagsagan ng ulan at baha kumita pa umano ng P24.5-M sa unang araw sa mga sinehan ang isang pelikulang Ingles. Ibig sabihin niyan, kahit na baha at mataas din naman ang admission prices ng mga sinehan basta gusto ng tao ang panonoorin nila manonood sila.

Ang kinakantiyawan nila iyong isa raw pelikulang Tagalog na palabas, walang nanood kaya siguro nawala na rin sa sinehan na parang natangay ng baha.Pero bakit ganoon? Talaga bang ayaw na ng mga Pinoy ng pelikulang Tagalog?

Eh kami nga movie writer na hindi namin alam na may ganoon palang pelikula. Basta na lang lumabas eh. Hindi rin namin kilala ang mga bida nilang artista kung sino ba ang mga iyon. Sino ang manonood ng sine kung ganyan? Hindi mo kilala ang artista, wala kang idea kung anong pelikula iyon. Bakit ka babayadng halos P400 para panoorin iyon? Ano sila sinusuwerte?

Dapat iyang mga pelikulang indie na ganyan, tutal maliit lang naman ang puhunan nila, kaya nga mga hindi kilala ang artista nila eh, gawing P20 ang admission prices nila sa mga sinehan. Kung gagawin nila iyon mas kikita sila dahil sa ngayon madaling itapon ang P20, pero iyong halos P400 bayad sa sine hindi mo bibitiwan maliban kung talagang gusto mo ang panonoorin mo. 

Kung hindi, mag-Vivamax ka na lang sa halagang P149, isang buwan kang manonood ng mga pelikula kahit na ilan pa ang panoorin mo, bomba pa.

Samantalahin na ninyo dahil oras na magtagumpay ang MTRCB na isailalim sa kanila pati ang mga pelikula sa video streaming, mawawala na iyan. Kaya pinanoood iyan bomba eh, kung bawal na ang bomba bakit pa nila panonoorin eh ‘di wala na.

Kung gusto ninyong kumita ang pelikulang Filipino husayan ninyo ang pagkakagawa. Kunin naman ninyo ang mga artistang may mga pangalan, hindi iyong has been, never was, o never will be.

Kung nasa tatlong kategoryang iyan ang artista ninyo. Magpahinog na kayo. Hindi kayo kikita.

Bakit ako babayad ng halos P400 na ang panonoorin kong artista ni hindi ko kilala. Manonood na lang ako ng Batang Quiapo, libre pa at kahit na sabihin mong kung minsan ay nabubulol sa pagsasalita, sikat na artista si Coco Martin. O kaya hanapin ko na lang ang sinasabing scandal ni Mark Anthony Fernandez na mapapanood mo ng libre. Updated ka pa sa marites.

Diretsahan iyan bakit ba ako babayad sa isang indie na ni hindi ko kilala ang artsta. Hindi ko kilala ang director. Ni hindi ko man lang narinig na may pelikulang ganoon pala ang title tapos gusto ninyo magbayad kami ng P400 para sa mga kabulastugan ninyo. Kinukonsensiya pa ninyo kami na hindi namin minamahal ang pelikulang Filipino. Mahal namin ang pelikulang Filipino pero mahal din naman namin ang aming sarili. Bakit kami paloloko?

Kaya nga hindi namin tinatangkilik iyang mga indie eh dahil sa pagmamahal namin sa industriya. Hindi namin matanggap ang kababagsakan ng industriya ay puro kabulastugan na lang. Gusto naming bumangon ang industriya at gumawa nang mahuhusay na pelikula gaya noong araw bago magkaroon ng mga pito-pito at indie.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …