Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jhong nagpetisyon mapawalang-bisa kasal sa asawang foreigner 

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGHARAP ng petisyon si Jhong Hilario sa Makati RTC na kilalanin na ang divorce sa kanyang asawang foreigner. Nag-asawa na pala noon si Jhong pero nagawa niyang itago iyon sa mata ng publiko. Hindi naman pala sila halos nagsama kaya nga hindi sila nagkaroon ng anak. Nagkakilala raw sila nang magkasama sa produksiyon ng Miss Saigon noon sa Pilipinas na ang babae ay isang wardrobe mistress sa nasabing palabas.

Dahil hindi naman sila nakapagsama at hindi nakasunod si Jhong sa Norway kung nasaan ang asawa niya, nag-divorce na lang sila. Pero hindi ganoon kadali ang paghihiwalay. Dito kasi sa Pilipinas ay wala tayong divorce bagama’t kinilala ng batas ang divorce ng isang Filipino at isang dayuhan sa bansang may divorce. 

Kailangang utusan ng hukuman ang civil registrar ng Makati na nagkasal sa kanila na alisin na sa kanilang record ang kasal na iyon dahil nag-divorce na ang mag-asawa. Kasabay niyon kailangan din ng court order para alisin iyon ng PSA sa kanilang listahan at bigyan si Jhong ng CENOMAR na tiyak na hahanapin sa kanya kung pakakasal siyang muli.

May live-in partner na ngayon si Jhong kung kanino siya may isang anak at gusto niyang pakasalan na rin iyon tutal matagal na siyang divorce sa una niyang pinakasalan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …