HATAWAN
ni Ed de Leon
HINDI diretsahang inamin ni Baron Geisler na anak nga niya ang bunsong anak ni Nadia Montenegro na si Sophia. Matagal nang tsismis iyan at ngayon inamin na nga ni Nadia ang katotohanan sa publiko. Kung mayroon mang dapat na makatukoy kung sino ang ama ng kanyang anak natural ang nanay iyon.
Ang masakit lang puwedeng magkaila ang tatay at itanggi iyon, pero ang nanay walang choice dahil sa kanya lumabas ang bata. Wala namang nakaalam kung paano ginawa ang bata kundi ang mga biological parents lamang niya. Hindi naman sila tatawag ng witness sa milagro nila lalo na’t noong panahong iyon ay buhay pa si dating Mayor Boy Asistio. Gusto ba nilang mabura sila sa mundong ibabaw?
Ang sinasabi ni Baron, hindi pa niya inaamin sa ngayon na anak nga niya si Sophia sa kabila ng pag-amin ni Nadia pero ikinatutuwa niya nang batiin pa ni Sophia ang asawa niya noong birthday niyon. Tanggap na rin siguro niyong bata na mayroon nga siyang madrasta, at kailangan niyang kilalanin iyon pero kailan siya kikilalanin ng tatay niya?
At paano pagdating ng araw lalabas na erroneous ang kanyang birth certificate kagaya ni Alice Guo, na lumaki sa farm at tinuruan lang ni Teacher Rubilyn?