Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ana Ramsey Willie Revillame

Ana Ramsey mas may future sa paglipat sa Wil To Win

HATAWAN
ni Ed de Leon

SINASABI ng baguhang si Ana Ramsey na masaya siya sa ginawa niyang paglipat sa Wil To Win ni Willie Revillame kahit na kailangang umalis siya sa It’s Showtime. Malakas nga ang Showtime ngayon dahil sa lakas ng power ng Channel 7, pero mapapansin ba ang ibang hosts sa show? Hindi ba lagi lang silang nakaupo sa isang sofa na magkakatabi habang nakikitawa sa mga kabulastugan ni Vice Ganda, at sa ginagawang panlalait niyon kay Anne Curtis o kay  Kim Chiu? Kailangan kasi ni Vice na may malalait dahil iyon ang style na natutuhan niya sa mga comedy bar na 

pinanggalingan niya at inaakala niyang gusto ng mga tao ngayon.

Kaya kung co- host ka ng Showtime, maliwanag na laruan ka lang ni Vice para may malalait siya. Hindi naman niya puwedeng laiting muli si Jessica Soho. Natuto na siya ng leksiyon na hindi mo maaaring laitin ang mas sikat sa iyo kaya iyong mga hindi sikat iyon ang nilalait niya ngayon at para walang angal, ginagawa nilang co-host sa kanilang show na ang trabaho ay tumanggap ng panlalait ni Vice. Hindi ba pati si Regine Velasquez ay umangal na sa panlalait ni Vice sa asawa niyang si Ogie Alcasid? Pero ano ang magagawa niya, lahat naman ng co-host doon ay nilalait ni Vice. Talagang mas masisiyahan nga si Ana sa show ni Willie. Sa show kasi ni Willie iginagalang pa ang mga babae, hindi nilalait.

Kasi wala namang hang ups si Willie, lalaki iyan eh. Hindi isang lalaki na “nagpapanggap na siya ay babae,” at nagagalit basta tinatawag na “sir.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …