Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
AJ Raval Aljur Abrenica

Aljur at AJ relasyon inilantad, paano ang anak?

HATAWAN
ni Ed de Leon

KAYA pala hinahamon ni Aljur Abrenica ang kanyang dating asawang si Kylie Padilla na aminin kung sino sa kanila ang sumira ng kanilang pagsasama, balak pala nilang lumantad na ni AJ Raval dahil first anniversary na ng kanilang relasyon. 

Nag-celebrate na sila ng kanilang anniversary kahit na nga hindi pa pormal ang relasyon nila dahil hindi pa naman annulled ang kasal nila ni Kylie. Si Kylie naman umamin din na “taken” na siya ngayon. Ibig sabihin, may iniibig na siyang iba na hopefully mas maging ok kaysa kay Aljur lalo na nga’t ang consideration ay hindi lamang ang pagsasama nila kundi ang katotohanang may mga anak siya sa aktor na natural pasanin pa niya. Hindi naman papayag si Kylie na ibigay kay Aljur ang kanilang mga anak, at papayag ba naman si Robin Padilla? Baka ipagiyera sila ni Robin sa China o huwag papirmahan ang papeles nila kay Quiboloy na pinaniniwalaan nilang passport nila papuntang langit.

Pero may umuugong na tanong, ngayong inaamin na nang hayagan nina Aljur at AJ ang kanilang pagsasama, aaminin na rin ba nila na sila ay mayroon ng anak? Matagal nang tsismis iyan pero walang umaamin. Noon sinasabi pa kung saang ospital iyon naganap na sa isang private room hindi na delivery room, at ang paglabas daw sa ospital immediately pagkatapos na manganak ni AJ. Tapos ang sinasabi nila pagpapahinga raw ni AJ kaya hindi visible noon pero ang dahilan ay covid.  Wala namang napatunayan ang mga marites sa tsismis na iyan, ewan kung may birth certificate ba ang bata bilang katunayan, kundi para lang iyang si Alice Guo na lumaki sa farm.

Pero iyang mga ganyang pagtatago ay unfair sa bata, isipin ninyo hindi siya mabubuhay ng normal dahil ayaw lamang aminin ng mga magulang na anak siya.

Tutal hiwalay na naman sina Aljur at Kylie nakapag-celebrate na nga sila ng anniversary ni AJ eh ‘di aminin na sana nila kung may anak na nga silang talaga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …