Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

The EDDYS at Urian buo ang kredibilidad sa pagbibigay ng award

HATAWAN
ni Ed de Leon

KUNG mga award ang ating pag-uusapan, para sa amin ay mas buo ang kredibilidad ng The EDDYS at Urian. Dalawang magkaibang grupo iyan. 

Ang The EDDYS ay binubuo ng SPEEd, ang samahan ng mga entertainment editors ng mga lehitimong pahayagan at internet portals. Bilang mga editor ng mga malalaking diyaryo at lehitimong media sila na nakatutok sa industriya ng pelikula sa araw-araw, at alam nila ang tunay na galaw ng industriya. Maliwanag din na napapannod nila ang lahat halos ng mga pelikula pati ang mga walang kuwenta. Kaya mahusay silang sumuri kung sino ang magaling at ano ang magandang pelikula. Bilang mga entertainment editor alam din nila ang bahaging teknikal ng isang pelikula kaya may karapatan din silang mag-rate.

Iyan namang mga manunuri, nagsimula iyan bilang isang samahan ng mga kritiko at film reviewers ng pelikula. Hindi na sila masyadong visible ngayon, hindi kagaya noong araw na talagang laging may review ang mga manunuri sa lahat ng inilalabas na mga pelikula. Mayroon din silang quarterly citation noon na kinikilala nila ang mahuhusay na pelikula. Pero marami na ring nawala sa kanilang mga datihang miyembro, at iilan na lang na nananatiling aktibo sa pagsusulat kaya hindi na sila nababasa sa mga diyaryo. Marami sa kanila ngayon ay mga propesor at estudyante ng film arts, at karamihan pa ay nasa UP. May mga esudyante rin naman at kurso ng film maging sa ibang malalaking unibersidad pero mukhang natumpok nga sa mga taga-UP lamang ang kanilang mga kasapi. Gayunman hindi mo matatawaran ang kanilang kakayahan sa pagsusuri ng pelikula, at kagaya rin ng EDDYS, walang nababalitang anomalya sa mga award ng Manunuri.

Hindi sila kagaya ng iba na talamak na ang usapan ng “lakaran at lagayan” at mga “compromised decisions.”

Kaya kung kami ang tatanungin, batay pa lamang sa nomination na ginagawa ng dalawang grupong iyan, mapagtatanto mo na kung ano ang magandang pelikula at kung sino nga ba ang mga magagaling na artista. Basta hindi nominated sa Urian at sa Eddys, tapos ay nanalo sa iba, alam na natin kung bakit at kung paano nangyari. Kaya nga kung may nananalo sa iba na hindi man lang nominated sa Urian at sa Eddys, ewan kung ano na ang tawag doon. Hindi masasabing masama lang ang taste ng mga hurado kundi “mas malamang may milagro.”

Saan nga ba nabubuo ang mga “himala sa mga award?” Ang mas madalas na nangyayari, ang mga manager ng mga artista ay gustong manalo ang kanilang mga alaga dahil magpapataas iyon ng kanilang star value hindi lamang ang artista ang makikinabang kundi maging ang kanilang managers. Diyan umiiral ang “padrino system” kumakausap sila ng mga miyembro ng mga award giving bodies, nakikipag-ayos kapalit ang isang itinakdang halaga para manalo ang artistang gusto nilang manalo. In short, may lagayan o bentahan na talaga ng awards. Kaya nga mahahalata mo naman eh iyong mga artista ng pelikulang bulok na basta pinanood mo masusuka ka sa acting, nananalong best actor eh, “depende sa ihahatag niyang halaga.” 

Mayroon namang pagkakataon na ang kompanya ng pelikula mismo ang “naglalakad para manalo ang mga artista lalo na’t nakakontrata sa kanila. Mayroon namang mga miyembro pa mismo ng mga award giving bodies ang nag-aalok ng awards sa mga artistang magbabayad sa kanila. Talamak iyan pero may double cross dahil kung minsan ang tagalakad ay kinakangkong pa ang pera at hindi binibigyan ang lahat ng miyembro kaya nasisingitan din sila, may mga pagkakataon ding kahit na may naglagay na kung may maglagay ng mas malaki, natatalo kahit na nauna na sila. Kaya nga dahil sa mga maling kalakarang iyan halos nawalan na ng kredibilidd ang mga award lalo na’t dumami pa sila dahil pinagkakakitaan ngang talaga hanggang sa ang pinaniniwalaan na lang ay ang Eddys at Urian dahil wala pa silang record ng anomalya.

Eh sa ngayon matatawa ka, mayroon pang elementary school sa Pangasinan na nagbibigay na rin ng awards. Bakit naman? Dumami na sila talaga at kahina-hinala na. Kaya nga in the end maliban sa Urianat Eddys wala nang naniniwala sa iba pang awards, maliban siguro sa mga taong naglalagay sa kanila para manalo. Iyon ang katuwiran ng isang miyembro ng isang award gving body eh, “hanggang may naglalagay sa amin para manalo may naniniwala pa sa awards namin.” 

Pero dapat ba natin iyong kunsintihin?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …