Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pulang Araw

Bagong serye ng GMA ginamitan ng CGI

HATAWAN
ni Ed de Leon

MATAGAL na kaming hindi nanonood ng mga serye sa telebisyon. Nakakasawa na rin naman kasi ang mga palabas nila. Nakatitipid pa kami ng koryenteng napakamahal na.

Ang huling seryeng napanood namin ay iyong ini-remake nilang Voltes V dahil natutuwa kaming mabalikan ang mga panooring nakagiliwan namin noong bata pa kami. Tapos natuwa rin kami roon sa seryeng First Lady. Sinubaybayan namin iyon hanggang sa matapos. Tapos niyon ay wala na nga. Kaya kung minsan ang mga kaibigan namin ang nagpapadala sa amin ng mga link ng mga programa on line kung may issues na rin silang nakikita. 

Noon nanood pa kami ng mga lumang pelikula sa cable. Pero nang malaunan ay hindi na rin dahil ang ipinalalabas naman nila ay puro mga pelikulang indie na masama ang pagkakagawa, sayang lang ang koryente kung panonoorin mo.

Pero noong isang gabi ay nakita namin ang trailer niyong seryeng Pulang Araw. Tungkol pala iyon sa ikalawang digmaang pandaigdig at napansin naming hindi biro-biro ang opticals, gumamit sila ng CGI para maipakita ang hitsura ng lunsod noong panahon ng digmaan. Pati ang mga kasuotan ng mga character at mga kotseng tumatakbo sa kalye. Lahat iyon CGI lamang, at mukhang maganda ang pagkakagawa. Siguro dahil diyan ay manonood kaming muli ng tv. 

Sa ngayon ang pinanonood lang namin sa TV ay Eat Bulaga kung tanghali, tapos magbubukas kami ulit ng tv para tingnan kung ano ang nangyayari sa 24 Oras

Tapos pahinga na kami at maging ang aming tv. Mas masarap makipag-chat sa internet kaysa monood ng palabas sa tv, pero ngayon mukhang panonoorin namin iyang Pulang Araw pagkatapos ng 24 Oras.

Mukhang itinodo na nila ang lahat sa seryeng iyan at mukhang gusto nilang muling maagaw ang prime time supremacy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …